Friday, March 16, 2012

Swerte at Malases(madaming malas!) of the day!

Marhaba!  Tagal ko ng di nakapagsulat, busy busyhan ang dyoza sa paggawa ng video pics ng aking mga friendsters! Kahit naman sobrang epal ako gusto ko pa din naman bigyan ng maraming smiles sa muka ng mga kaibigan ko. So ito na nga ang nangyari sa araw ko, friday 16 2012...


I want a fink chair! as in fink like this.  Dahil malakas nga ako sa langit kahit sabi nilang masama ang ugali ko, may isang anghel na walang pakpak pero malaki ang pekpek na nagsend na anda sa cebuana, para mabuy na ng dyoza ang upuan nya( wish lang kaya ako! ).  So nag tsunami walk na nga kami papunta sa bilihan ng fink chair na yan, kaso lang, ito na ang kamalasan number 1, sabi ng agent na pangalanan na lang nating bukaneg, kaka out lang daw ng natitira nilang stock 30 mins ago! Pagkasabi ni bukaneg nun feeling ko nagmelt ang fats ko sa disappointment bcoz i wanted that chair so much, kiber na lang kung kaya nya ko o hindi basta kailangan maupuan ko sya at magpaikot ikot ang pwet ko sa kanya! Feeling ko lang ang ganda ko pagnakaupo ako jan sa fink chair na yan, kaso wala ngang magawa wala na ang fink chair, may ibang kulay naman daw, blue at yellow, pero sabi ko...NO! Fink ang gusto ko fink as fink, not blue not yellow but fink.  Nakita ni Bukaneg sadness sa matambok kong peys, so sabi nya magkakaron pa naman daw ng delivery at fast moving daw si fink kasi, balik daw ako next month kasi dun pa lang dadating and he got my number to notify me pagdating ng stocks nila. Mas nakakalungkot kasi ang tagal, tagal, tagal naman ng 1 month! So para mawala ang inis ng dyoza, nagpafoot spa at nagpahot oil na lang ako! Ayoko naman disappointed na nga ko panget pa ko, saklap naman ata nun diba?! So after ng parlor, at nagkaichura na ko, sabi ko sa yaya ko(hihihi sa nanay ko pala!) kunan ako picture, dala ko syempre ang fink na camera ko, pag on ni fink camera, off agad?!!! Paking syet lowbat si fink camera!!!! That's kamalasan number 2, ladies and gentlemen.  I asked Rona why's my camera low bat, ang hitad sumagot ginamit daw nya at di nya nacharge!!! Gusto ko syang lunuking ng moment na yun, at bakit hindi eh ang ganda ko sana sa at bagong hot oil at bagong foot spa,(parang mukang paa ako ah!hihihi).  So pagnadadalawahan ka na ng kamalasan ang tanging solution dyan eh lumamon! Nagtatanungan pa kami ng yaya ko este ng nanay ko san kami lalafang, nakakita ako ng picture ng crispy pata, at naalala ko ang giant halo halo sa pagbrowse ko, syempre curious ang dyoza basta lalamunin ang usapan!  Eto na fly kami sa Max's, nag order ng nilagang baka at crispy pata and syempre that giant halo halo!  Eto na tapos na namin lapastanganin ang crispy pata at nilagang baka, at wala kaming pictures neto dahil low bat nga ang fink camera ko, I asked Piolo the waiter to serve the giant halo halo....

Nung nilapag ang dessert, napajuiceeeeeeeeeee ko po ang tyahin ko, at napahumaygud naman ako at ang nasabi ng mudra ko, nyay! Ay talaga namang higante ang halo halo na yan! And its cheap 389 pesos lang at talagang masarap ha, di konti ang sahog. So medyo nawala na yung disappointment ko sa fink chair at low bat na fink camera, buti na lang naisip ko na ang aking fink celphone eh may camera, at yun ang ginamit namin dyan!  Hindi namin naubos yan, may take out pa. Hindi kasi talaga sya kinaya ng powers namin.

Eto na si kamalasan number 3, ewan ko bakit after 20 mins humilab ang tyan ko, ang sama pa nun nakalabas na kami ng resto, pero nasa loob pa naman kami ng mall, so sabi ni yaya balik na lang daw kami sa Max's at kailangan ko ng mag cr, parang hindi na talaga aabot ang dyoza, butil butil na ang pawis ko day buti na lang paglingon ko sa kanan nakita ko ang liwanag!!!! Ayun ang CR hahahaha takbo ako syempre, awa naman ng langit eh nairaos ko ang dapat kong iraos, pero, walang tubig, buti na lang lagi ako may tissue at wet tissue sa bag ko.  Malls here aren't like those of Dubai's na di nawawalan ng tissue at ng tubig. Dito, wala ng tissue, wala pang tubig! Hmp! Poorness talaga ang bansang sinilangan!

Dahil unti unting nalalagas ang relief na padala ng anghel na walang pakpak pero malaki ang pekpek, eh umuwi na kami.  And ito na talaga ang ultimate kamalasan!  Around 10 pm, nagtext si Bukaneg, remember the agent of that fink chair, sa Wednesday daw eh may delivery sila! Akalain mo yun?! After kong waldasin dahil sa sobrang sakit ng loob na dinulot nya eh sasabihin nya na sa darating na myerkules eh may dadating na fink chair?! Paksyet sya! Wala na kong anda! Mag antay sya next month dahil yun ang unang pinangako nya! Perong parang dinudurog ang puso ko, kinacrumple ang baga ko hindi ako makahinga sa masamang balitang ito! I have to get that fink chair, how? Bahala na si Batman!