Friday, February 10, 2012

Unsolicited Advice 2... FOR THE BROKEN HEARTED



Apat na araw na lang, araw na ng mga puso, kiskisan na ng mga nguso, at dahil jan, gusto kong bigyan ng pansin ang puso ng mga....................................................SAWI!  At bakit naman hindi, eh araw din naman nila to, may puso din naman sila, yun nga lang barag, durog, biyak! OUCH!!!  Lahat ng mga sinabi ni Petra sa video blog nya eh korak, hanep nga sa atake eh, comedy para nga naman hindi madagdagan  ang pag eemote emotan ng mga broken hearted.  Well aside from the things that she have said in her video blog, let me just add some of my unsolicited advice...
  • PRAY! - Well in the real and reel world pag nasasaktan ka hindi mo naman talaga yan unang ginagawa, ang una mong ginagawa eh ngumawa! Pero sana pagkatapos mong bawasan ang tubig sa katawan mo, magdasal ka na. Pray to the Lord the you'll survive this adversity. You need your family and friends yes, but more than anything you need HIM!  Sus, nung ako nga ang nasawi pray ko talaga na sana kung gano kasakit ang pinadanas sa kin ng ex ko mas masakit pa ang maranasan nya, ay ate, malakas ako sa langit, akalain mo dininig ni Papa God! Plakak di ba?! Ays bad na kung bad, nagpapakatotoo lang naman ako!  But seriously, magdasal ka, ipagdasal mo ng taimtim na makamoveon ka agad.
  • ACKNOWLEDGE THE PAIN. - Aminin natin, may mga moments tayong paepek pa tayo na hindi masakit na iniwan tayo, binasura, kesyo sasabihin pa sa sarili at sa iba "IT'S HIS/HER LOST, NOT MINE". GAGA! Hindi totoo yang kasabihan na yan the moment na iniwan ka! As a matter (that occupies space and has mass!) of fact, it's your lost darling! Bakit? Eh gaga sino bang nawalan ng jowa, di ba ikaw??? Kaya it's your lost sweetheart, kaya wag ka ng gumaganyan!  You have to feel the pain, nurture it for a while, hanggang sa sobrang masakit na namanhid ka na at yung feeling na ayaw mo na, pagod ka na, suko ka na.  That, ladies and gentleman is the moment that you will rise from your pagkakalugmok, ang drama mo na ngayon nyan eh BABANGON AKO at DUDURUGIN KITA!  Pagbinalewala mo kasi yang sakit na yan, nanjan lang yan hindi mawawala lalawak ang space nyan sa heart mo hanggang sa magtatagal ang pagrecover mo, try mo lang te, isipin mo mabuti, malalaman mong tama pala sinasabi ko. Hindi masamang umaray pagnasasaktan!
  •  SOMETIMES IT'S EASIER TO CONFIDE TO STRANGERS. - I don't have anything against you talking to your friends and asking them to help you move on, but sometimes, nakakarindi na sila aminin natin yan, dahil nga palagay na mga kalooban natin sa kanila at sila naman sa tin, may mga oras na wala na silang pakundangan kung magsalita, and, if you're in too much pain, ayaw mo na madagdagan pa ang sakit na pasan pasan mo dahil lang sa mga kataklesahan nila.  And kahit anong closeness nyo ng friendship mo, may mga bagay talaga na hindi mo masabi sa kanila kasi nahihiya ka na or alam mo na dialogue nila.  Kaya nga di ba nauso si PAPA JACK at kung sino sinong DJ ng love thoughts love lines, at kaya nga nagkaroon ng dial a friend di ba? IT'S BECAUSE IT'S EASIER TO TALK TO THEM and they are yes...STRANGERS!  Di ba parang ang lahat ng sasabihin nila positive ang dating, sa mga barkada mo kasi malamang sa hindi may mura ka di ba???
  • EVALUATE YOURSELF.- As they always say, IT TAKES TWO TO TANGO.  Meaning, yung paghihiwalay nyo may mga kasalanan ka din why you broke up. wag naman natin isisi lang yan sa partners natin.  Siguro mabaho ang hininga mo, o kaya maasim ang kili kili mo kaya ka iniwan, siguro lang naman hindi ko naman sinabi totoo yun! hihihihi  Pwede rin naman na nagger ka, or flirt ka, or your not giving him/her your attention or inuubos mo yaman nya kaya ka iniwan.  Pwedeng madami ka din mali kaya nga you have to check yourself, talk to your self, soliloquizing (taray ng term, ginoogle mo na noh?) is not at all bad, kasi wala naman nakakakila sa sarili mo kung di ikaw lang, kahit itanong mo pa sa nanay mo at lola mo kung sino ka, isasagot lang nila ang pangalan mo, pero ang iniisip mo at nilalaman ng puso mo, walang ibang nakakaalam nyan kung di ikaw, kaya ikaw lang ang makakasagot kung ano nga ba ang nagawa mo why the sweetness has gone sour.
  • IT'S OK TO BE BITTER FOR A WHILE. - Sometime, being bitter is better, it makes you stronger, parang ampalaya di ba? Mapakla pero masustansya.  Ladies and gentlemen, alangan naman magpasweet ka pa iniwan ka na? OA ka ha! Plastikera! Idonate kaya kita sa one for all, all for one ng eat bulaga???  Wala naman kasing lokohan ng self, nasaktan ka natural bitter ka, hindi pwedeng friendship na kayo agad ng ex mo, di ba lagi yang linya ng mga nakikipaghiwalay? "We still are the best of friends, I'm still here for you", mga ganyang banat! Pwe!!! You're no longer with her engot, binasura mo nga eh divah??  Kaya distansya amiga ka muna sa kanya, ok lang sabihin ka nilang bitter, because in time you will definitely be BETTER!
  • BE VISIBLE BUT NOT ALWAYS AVAILABLE. - Hindi mo nagets noh? Sabi ko nga eh! Lemme expound on it.  What I'm trying to say is don't hibernate, wag kang magtago, and let the people know that your single and ready to mingle but with doing so, hindi naman lahat ng makikipagdate sayo eh aarya ka at hindi naman pwede lahat na lang ng babae idate mo. Syempre mamimili ka, hindi ka karinderyang bukas sa lahat ng gustong lumamon 24/7 noh! Hindi naman porket single ka kakalantiriin mo at magpapakalantari ka naman sa lahat. Wag ganun. Let them know your single para maraming umaligid and then you can choose for the one that you think is best for you.  Gets na? Kung hindi pa din, matulog ka na lang baka bukas gets mo na!
  • ACCEPT THE FACT THAT IT'S OVER. - It's true that everybody deserves a second chance, but all relationships end.  Accept the truth, that your relationship has ended. It died. But that doesn't mean you are dead, you're a separate entity, namatay ang partnership pero hindi ang partners.  Accept that you are not the one for him and vice versa.  Pagnatanggap mo na yan you're on the road to recovery na pwamis!!!
Sa lahat ng mga broken hearted ngayong balentyms, do not wallow, do not be sad, pwede ka naman bumili ng flowers sa dangwa for yourself, or kumain ka sa resto with your parents, or magpamanicure kasama ang friends mo, or mag inuman kayo ng mga barkada mo, pwede din naman matulog ka maghapon, humarap sa computer at makipagchat, or manood ng movies.  Maraming pwedeng gawin, do not let Feb 14 add to your misery, isang araw lang yan, malay mo Feb 15 mo pala makikilala ang bubuo ng barag mong puso!  Right?!! 









   

2 comments: