Saturday, July 14, 2012

The Right Choice


I should be sleeping by now,  but I can't.  I should be doing the report that my sister asked me to, but I'm not in the mood.  So to use my idle time, here I am writing...

I've watched This Means War two days ago, and there's this line that struck me.  I told Jim that I will write about that line of Trish. Here's the quotable quote from Trish...(Naks my quotography pa!hihihi)
I may be so epal to people from the chatroom, but little they did know, I do have a heart.  Yes, I do at hindi lang pang bopis to teh pang love din! Naks!  Anyway, that line was uttered by Trish when Reese was asking her if it's possible to equally love 2 people at the same time.  I guess Trish was right, from my point of view, we shouldn't be loving the person just because he's BETTER according to the society's standard. 

He may be so handsome but can you face him even if you just woke up and haven't brush your teeth and you do not have make up?  He may be sweet but does his sweetness makes you kilig?  He may be brought up by priests but do you feel secured with him? He may be a graduate of UP, Harvard or Stanford but can you still speak  what's on your mind without the fear of being laughed at or being called stupid? 

Often times when we're in love we tend to forget who we are and live according to what our partners want.  And we do this to make the relationship work.  I am not saying that we should not do a little sacrifice for the relationship to work out.  What I'm trying to say is that in choosing to be with someone, you should be YOU! And you can act the way you want to without fear that he'll leave you in case you commit some mistakes. If you can do these with him, everything else will come naturally.  You will make yourself better, correct your own mistakes and the little things that we call sacrifice or effort will just be called LOVE. 

Guys, this goes for you too! :)


Friday, March 16, 2012

Swerte at Malases(madaming malas!) of the day!

Marhaba!  Tagal ko ng di nakapagsulat, busy busyhan ang dyoza sa paggawa ng video pics ng aking mga friendsters! Kahit naman sobrang epal ako gusto ko pa din naman bigyan ng maraming smiles sa muka ng mga kaibigan ko. So ito na nga ang nangyari sa araw ko, friday 16 2012...


I want a fink chair! as in fink like this.  Dahil malakas nga ako sa langit kahit sabi nilang masama ang ugali ko, may isang anghel na walang pakpak pero malaki ang pekpek na nagsend na anda sa cebuana, para mabuy na ng dyoza ang upuan nya( wish lang kaya ako! ).  So nag tsunami walk na nga kami papunta sa bilihan ng fink chair na yan, kaso lang, ito na ang kamalasan number 1, sabi ng agent na pangalanan na lang nating bukaneg, kaka out lang daw ng natitira nilang stock 30 mins ago! Pagkasabi ni bukaneg nun feeling ko nagmelt ang fats ko sa disappointment bcoz i wanted that chair so much, kiber na lang kung kaya nya ko o hindi basta kailangan maupuan ko sya at magpaikot ikot ang pwet ko sa kanya! Feeling ko lang ang ganda ko pagnakaupo ako jan sa fink chair na yan, kaso wala ngang magawa wala na ang fink chair, may ibang kulay naman daw, blue at yellow, pero sabi ko...NO! Fink ang gusto ko fink as fink, not blue not yellow but fink.  Nakita ni Bukaneg sadness sa matambok kong peys, so sabi nya magkakaron pa naman daw ng delivery at fast moving daw si fink kasi, balik daw ako next month kasi dun pa lang dadating and he got my number to notify me pagdating ng stocks nila. Mas nakakalungkot kasi ang tagal, tagal, tagal naman ng 1 month! So para mawala ang inis ng dyoza, nagpafoot spa at nagpahot oil na lang ako! Ayoko naman disappointed na nga ko panget pa ko, saklap naman ata nun diba?! So after ng parlor, at nagkaichura na ko, sabi ko sa yaya ko(hihihi sa nanay ko pala!) kunan ako picture, dala ko syempre ang fink na camera ko, pag on ni fink camera, off agad?!!! Paking syet lowbat si fink camera!!!! That's kamalasan number 2, ladies and gentlemen.  I asked Rona why's my camera low bat, ang hitad sumagot ginamit daw nya at di nya nacharge!!! Gusto ko syang lunuking ng moment na yun, at bakit hindi eh ang ganda ko sana sa at bagong hot oil at bagong foot spa,(parang mukang paa ako ah!hihihi).  So pagnadadalawahan ka na ng kamalasan ang tanging solution dyan eh lumamon! Nagtatanungan pa kami ng yaya ko este ng nanay ko san kami lalafang, nakakita ako ng picture ng crispy pata, at naalala ko ang giant halo halo sa pagbrowse ko, syempre curious ang dyoza basta lalamunin ang usapan!  Eto na fly kami sa Max's, nag order ng nilagang baka at crispy pata and syempre that giant halo halo!  Eto na tapos na namin lapastanganin ang crispy pata at nilagang baka, at wala kaming pictures neto dahil low bat nga ang fink camera ko, I asked Piolo the waiter to serve the giant halo halo....

Nung nilapag ang dessert, napajuiceeeeeeeeeee ko po ang tyahin ko, at napahumaygud naman ako at ang nasabi ng mudra ko, nyay! Ay talaga namang higante ang halo halo na yan! And its cheap 389 pesos lang at talagang masarap ha, di konti ang sahog. So medyo nawala na yung disappointment ko sa fink chair at low bat na fink camera, buti na lang naisip ko na ang aking fink celphone eh may camera, at yun ang ginamit namin dyan!  Hindi namin naubos yan, may take out pa. Hindi kasi talaga sya kinaya ng powers namin.

Eto na si kamalasan number 3, ewan ko bakit after 20 mins humilab ang tyan ko, ang sama pa nun nakalabas na kami ng resto, pero nasa loob pa naman kami ng mall, so sabi ni yaya balik na lang daw kami sa Max's at kailangan ko ng mag cr, parang hindi na talaga aabot ang dyoza, butil butil na ang pawis ko day buti na lang paglingon ko sa kanan nakita ko ang liwanag!!!! Ayun ang CR hahahaha takbo ako syempre, awa naman ng langit eh nairaos ko ang dapat kong iraos, pero, walang tubig, buti na lang lagi ako may tissue at wet tissue sa bag ko.  Malls here aren't like those of Dubai's na di nawawalan ng tissue at ng tubig. Dito, wala ng tissue, wala pang tubig! Hmp! Poorness talaga ang bansang sinilangan!

Dahil unti unting nalalagas ang relief na padala ng anghel na walang pakpak pero malaki ang pekpek, eh umuwi na kami.  And ito na talaga ang ultimate kamalasan!  Around 10 pm, nagtext si Bukaneg, remember the agent of that fink chair, sa Wednesday daw eh may delivery sila! Akalain mo yun?! After kong waldasin dahil sa sobrang sakit ng loob na dinulot nya eh sasabihin nya na sa darating na myerkules eh may dadating na fink chair?! Paksyet sya! Wala na kong anda! Mag antay sya next month dahil yun ang unang pinangako nya! Perong parang dinudurog ang puso ko, kinacrumple ang baga ko hindi ako makahinga sa masamang balitang ito! I have to get that fink chair, how? Bahala na si Batman!

Wednesday, February 22, 2012

All at Once



Let's hit 2 birds with one stone... this could be regarded as my tribute to THE WHITNEY HOUSTON.  It's safe to say that most of us could  identify to the songs that she has recorded.   Although I can't hit the notes, this is one of my faves for videoke. Hihihihi(kapal lang!)
 
To Ms Houston>>>All at once,
I finally took a moment and I'm realizing that
You're not coming back
And it finally hit me all at once
>>>Yes, you're not coming back, and I don't want you to, that's damn scary!!!  Thank you very much for the music. RIP. 

In an online relationship, where you fall in love with someone you haven't seen in person, and then suddenly, your love has turned sour, or for one reason or another he/she suddenly went offline and you're just staring at your computer or your cellphone waiting for a message to pop up but there's nothing...this song is for you...
 
You could only wish he/she comes back, but no..it's over.  Just hold on to the memories. Ouch!:((  Accept the fact that you're no longer in his/her arms.  And the smile that used to brighten up your days, brightens another one now! Ouch!:(( Ouch!:(( You are alone now... it hurts so much... so much that you've shed a million tears...Ouch!:(( Ouch!:(( Ouch!:((

TAKLESA vs CHISMOSA

VERSUS
Ahlan!Hola! Hi! Magtotwo months na ko nagbablog, so allow me guys to do my own ranting. Sunday pa ko irritated sa totoo lang kaso nga lang si darter ko asked me not to be too epal na lang para maiwasan ko na daw ang gulo, kaso nga nananalaytay sa dugo at taba ko ang pagiging epal.  Ayoko naman magpatama patama pa kasi puro tama na talaga ang inaabot sa kin ng hitad na nagpainit ng ulo ko.  Self proclaimed taklesa sya but IMAO, wala sa katauhan talaga nya ang pagiging taklesa, sa paningin ko isa syang CHISMOSA! 

So ano nga ba talaga ang difference ng taklesa sa chismosa???  If you look at the pictures, isa lang agad sasabihin neto sayo, if you're tactless, harap harapan mong sasabihin ang opinion mo sa tao whether or not matuwa o magalit o masaktan sya sasabihin mo, yung chismosa, yan oh sa picture, nagdadaldalan ang mgakapitbahay sa buhay ng buhay ng ibang tao, in short nde nila kaharap ang chinochorva nila.

Sabi ni friendship Dezz ang chismosa dinaig pa ang the buzz where as ang taklesa naman is prangka, nakakasakit ka na hindi mo pa alam.  According to my darter, he said sa taklesa slip of the tongue lang yung sinasabi nya sa chismosa walang tigil talaga ang kakadada.

Ang taklesa sinasabi katotohanan lang yung chismosa madalas ang sinasabi sablay! 

So ikaw hitad ka, don't say you're tactless, kasi wala ka naman sinabing totoo, ang ipinarating mo sa kapm mong gaga ka eh kachismosahan mo lang! 

Sunday, February 12, 2012

HONESTY IS THE BEST POLICY

The truth is rarely pure and never simple.--Oscar Wilde
I say, the truth is pure and simple, it is us who were never pure and we're never simple! Why?? Look at the picture below.  It'll explain everything as to why it's very hard to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth, so help me God.


Hindi ako nagmamalinis, nagsisinungaling din ako, not once, not twice but a lot of times, mula nung bata ako at hanggang ngayon may mga maliit na bagay pa din akong masasabi kong nasablay ako at nakakapagsinungaling ako lalo na pagmay di ako kilala sa chatrum at walang patumanggang iassasinate ang character ko, yun nga syempre gagantihan ko naman.  Pero pagdating sa sarili ko at sa mga taong mahal ko pwede kong sabihin sa kanila na hindi ako nagsisinungaling.

Nabigyan ako ng idea na isulat ang blog na to about honesty dahil sa may tanong si mitch sa fb nya...


Pag ba nagsinungaling ka ibig bang sabihin di mo na mahal ang tao??pakisagot lang po:)
· · · 17 hours ago near Masqat, Oman ·


    • Claudell A. Bayson pwede sagot :D :D :D hindi nmn, may dahilan kung bakit k ngsinungaling, minsan nga mas matimbang p n mgsisinungaling k kse mahal mo ung tao pra di masaktan, sbi nga nila lahat ng bagay may dhilan :D
      17 hours ago · · 1

    • Naugthy Cat may tinatawag na white lies jam....kailangan mong magsinungaling..para sa mahal mo..sa ikakabuti ng lahat....
      17 hours ago ·

    • Claudell A. Bayson miz u jamie, ingat k lagi dyan ^_^
      17 hours ago ·

    • Iya Barcelon ndi ah! may dahilan kapara magcnungaling! cguro ayaw mo cia masaktan or depende sa kung bakit ka nag cnungaling?...maiintindihan ka ba nya pag cnabi mo ang totoo..un un eh?
      17 hours ago ·

    • Jamie Kulitz awww salamat ate paks wabyu and miss u thanks mwahh
      17 hours ago ·

    • Jamie Kulitz crusher tama ka tama ka thanks sa advice :(
      17 hours ago ·

    • Jamie Kulitz iya thanks:(
      17 hours ago ·

    • Iya Barcelon nagagawa mo lang din mag cnungaling kapag una cia nag cnungaling sau! hahahaha
      17 hours ago ·

    • Jamie Kulitz ay korekkk i love that iya :)
      17 hours ago ·

    • Iya Barcelon true yan sis! dati di ko nagagawa mag lie! eh nag cnungaling at akopa nakatuklas..kaya gawin ko din! hahaha..cia di kaya tuklasin kaya galit na galit sa gawain nya! hahahahha
      17 hours ago ·

    • Jamie Kulitz haahahaha sariling gawain kinainisan :))
      16 hours ago ·

    • Iya Barcelon oo sis! ganun lang din gawin..basta wag ikaw ang mauuna..hahahaha
      16 hours ago ·

    • Jamie Kulitz hahahaha ayaw ko na magliehirap kaya di ka matahimik haha lol=))
      16 hours ago ·

    • Iya Barcelon cmula nun ndi na nya ginagawa ang mag lie! una pa cia nagsasabi kaya?lol!
      16 hours ago ·

    • Jamie Kulitz hahaha yyan ang maganda yung mabandal sa kasalanan ginawa ganyan ako ngayon lol:)
      16 hours ago ·

    • Iya Barcelon o db?ipaparamdam mo lang nmn sa kanya ung ginawa nya! hahaha
      16 hours ago ·

    • Jamie Kulitz hahahaha hindi ako ang naglie eh di sya waaahahahaha lol=))
      16 hours ago · · 1

    • Iya Barcelon basta ang masasabi ko sau sis..ke mag lie ka o ndi ..ung lalaki ang nawalan kapag iniwan ka! ndi ikaw ang nawalan! lol!
      16 hours ago · · 1

    • Jamie Kulitz awwww korek hahahaha let the time run sabi nga=))ll
      16 hours ago ·

    • Margarette Cruz Walang dahilan para magsinungaling ka kung talagang mahal mo, HONESTY IS THE BEST POLICY, it may be easier said than done, but still, it's still wrong to lie to anyone specially to ur love ones. One more thing, if he lied, it doesn't give u a license to do the same! wag kang maniwala sa mga yan!
      15 hours ago ·

    • Jamie Kulitz so sinasabi mo ate di mo mahal ang tao kasi nagsinungaling ka?
      9 hours ago ·

    • Margarette Cruz oo, kasi kung mahal mo nde ka magsisinungaling
      3 hours ago ·

    • Margarette Cruz pagnasinungaling ka meron ng element of deceit yun, dun na ang simula ng pagbabago mo
      3 hours ago · · 1

    • Margarette Cruz
      yun naman pala eh bakit mo kailangan magsinungaling din, ang relasyon its never smooth sailing, laging may away yan nagkaclash kayo lagi may nagagawa kang kasalanan ganun din sya sayo, pero nde yun license para magsinungaling ka sa partner mo, if love begets love so is truth begets truth, kung nde sya honest sayo just be honest with him, tsaka kung mahal ka at mahal mo ang partner mo dapat magsabi ng totoo, magpaliwanag at magsorry, dapat ikaw din handang umintindi at magpatawad, HINDI TAMANG MAGGANTIHAN NG PAGSISINUNGALING.

      2 hours ago ·

    • Margarette Cruz weehhh? malinaw na nagsinungaling ka para mahuli mo yun yun eh, umamin ka nga sabi mo at nagkapatawaran na kayo, ngayon, ikaw na ang may problema nde na sya, at tsaka nde mo sya napatawad kasi praning ka pa din sa lahat ng sinasabi nya, evaluate urself, it's u who has a problem its not ur partner!
      2 hours ago ·

    • Margarette Cruz perpekto ka ate???? hindi ka ba nagkakamali??? WE ALL DESERVE A SECOND CHANCE, nagsorry na yung partner mo gumaganyan ka pa, well, choice mo yan eh ugali mo yan, nde naman ako ang mawawalan ng jowa pagnapagod na ang jowa mo kakapaliwanag at kakabigay ng pruweba sayo at pagpapatunay sayo na mahal ka nya. pagpatuloy mo yan ate, PERPEKTO KA EH! ang masasabi ko lang GOODLUCK!
      2 hours ago ·

    • Margarette Cruz wag kang mag alala sa kaangasan mo ngayon, malapit na yan mawala, wag kang pakakasiguro at wag kang abusado! good luck na lng sa nalalapit mong pag iyak!
      2 hours ago ·

    • Margarette Cruz oo maangas ka, and u were judged based on ur comments! imagine, dito mo pinapangalandakan na nagtyatyaga sa ugali mo ang partner mo and yet ikaw ur still looking for proofs, isn't it enough that he said sorry and he's still with u? kung nde ka nyan mahal he'll fly swiftly to leave u. manggigil ka man sa kin ngayon, but deep inside u alam mong tama ang sinasabi ko, gigil well na lng!
      2 hours ago ·

    • Margarette Cruz hahaha barag ka noh? kung anu ano na sinasabi mo eh, ang masaya nde napapraning at naghahanap ng pruweba, kung meron nde masaya dito ikaw yun kasi nde kananiniwala sa bf mo :)) hihihihi
      about an hour ago ·

    • Margarette Cruz hihihi urat well...maghugas ka maigi at masabon ng kamay para nde binabacteria ang utak mo hihihihi
      about an hour ago ·

    • Margarette Cruz hihihihi
      about an hour ago ·


FYI ako po yung sawsawerang si MARGARETTE CRUZ.  From the looks of it, nagmuka na kong tangang nang eepal na wala naman sagot yung kalaban ko kasi binura na nya ang mga comments nya, hihihi, pero di bale mas importante naman ang comments ko kesa sa kanya.  Ang gusto ko lang naman sabihin eh ito, kahit ano pa man ang kasalanan mo wag mong pagtakpan, harapin mo, wag kang magsisinungaling sa sarili mo, sa ibang tao at lalo na sa mahal mo, dahil jan nagsisimula ang gulo.  Sabi ko nga hindi ako nagmamagaling, marami pa kong dapat ayusin sa buhay ko, hindi ako perpekto, at gusto kong simulan yun sa pagiging honest, sa pagtanggap kung ano ang mali ko, mahirap...napakahirap, pero uunti untiin ko.  At kung lahat tayo mag iisip na maging matapat sa isip sa puso at sa salita, i guess hindi na tayo dadaan sa impeachment, hindi na tayo magrarally,  hindi natin masasaktan ang mga mahal natin sa buhay at higit sa lahat hindi na tayo makakarinig ng sagot na world peace sa mga beauty pageants!

Friday, February 10, 2012

Unsolicited Advice 2... FOR THE BROKEN HEARTED



Apat na araw na lang, araw na ng mga puso, kiskisan na ng mga nguso, at dahil jan, gusto kong bigyan ng pansin ang puso ng mga....................................................SAWI!  At bakit naman hindi, eh araw din naman nila to, may puso din naman sila, yun nga lang barag, durog, biyak! OUCH!!!  Lahat ng mga sinabi ni Petra sa video blog nya eh korak, hanep nga sa atake eh, comedy para nga naman hindi madagdagan  ang pag eemote emotan ng mga broken hearted.  Well aside from the things that she have said in her video blog, let me just add some of my unsolicited advice...
  • PRAY! - Well in the real and reel world pag nasasaktan ka hindi mo naman talaga yan unang ginagawa, ang una mong ginagawa eh ngumawa! Pero sana pagkatapos mong bawasan ang tubig sa katawan mo, magdasal ka na. Pray to the Lord the you'll survive this adversity. You need your family and friends yes, but more than anything you need HIM!  Sus, nung ako nga ang nasawi pray ko talaga na sana kung gano kasakit ang pinadanas sa kin ng ex ko mas masakit pa ang maranasan nya, ay ate, malakas ako sa langit, akalain mo dininig ni Papa God! Plakak di ba?! Ays bad na kung bad, nagpapakatotoo lang naman ako!  But seriously, magdasal ka, ipagdasal mo ng taimtim na makamoveon ka agad.
  • ACKNOWLEDGE THE PAIN. - Aminin natin, may mga moments tayong paepek pa tayo na hindi masakit na iniwan tayo, binasura, kesyo sasabihin pa sa sarili at sa iba "IT'S HIS/HER LOST, NOT MINE". GAGA! Hindi totoo yang kasabihan na yan the moment na iniwan ka! As a matter (that occupies space and has mass!) of fact, it's your lost darling! Bakit? Eh gaga sino bang nawalan ng jowa, di ba ikaw??? Kaya it's your lost sweetheart, kaya wag ka ng gumaganyan!  You have to feel the pain, nurture it for a while, hanggang sa sobrang masakit na namanhid ka na at yung feeling na ayaw mo na, pagod ka na, suko ka na.  That, ladies and gentleman is the moment that you will rise from your pagkakalugmok, ang drama mo na ngayon nyan eh BABANGON AKO at DUDURUGIN KITA!  Pagbinalewala mo kasi yang sakit na yan, nanjan lang yan hindi mawawala lalawak ang space nyan sa heart mo hanggang sa magtatagal ang pagrecover mo, try mo lang te, isipin mo mabuti, malalaman mong tama pala sinasabi ko. Hindi masamang umaray pagnasasaktan!
  •  SOMETIMES IT'S EASIER TO CONFIDE TO STRANGERS. - I don't have anything against you talking to your friends and asking them to help you move on, but sometimes, nakakarindi na sila aminin natin yan, dahil nga palagay na mga kalooban natin sa kanila at sila naman sa tin, may mga oras na wala na silang pakundangan kung magsalita, and, if you're in too much pain, ayaw mo na madagdagan pa ang sakit na pasan pasan mo dahil lang sa mga kataklesahan nila.  And kahit anong closeness nyo ng friendship mo, may mga bagay talaga na hindi mo masabi sa kanila kasi nahihiya ka na or alam mo na dialogue nila.  Kaya nga di ba nauso si PAPA JACK at kung sino sinong DJ ng love thoughts love lines, at kaya nga nagkaroon ng dial a friend di ba? IT'S BECAUSE IT'S EASIER TO TALK TO THEM and they are yes...STRANGERS!  Di ba parang ang lahat ng sasabihin nila positive ang dating, sa mga barkada mo kasi malamang sa hindi may mura ka di ba???
  • EVALUATE YOURSELF.- As they always say, IT TAKES TWO TO TANGO.  Meaning, yung paghihiwalay nyo may mga kasalanan ka din why you broke up. wag naman natin isisi lang yan sa partners natin.  Siguro mabaho ang hininga mo, o kaya maasim ang kili kili mo kaya ka iniwan, siguro lang naman hindi ko naman sinabi totoo yun! hihihihi  Pwede rin naman na nagger ka, or flirt ka, or your not giving him/her your attention or inuubos mo yaman nya kaya ka iniwan.  Pwedeng madami ka din mali kaya nga you have to check yourself, talk to your self, soliloquizing (taray ng term, ginoogle mo na noh?) is not at all bad, kasi wala naman nakakakila sa sarili mo kung di ikaw lang, kahit itanong mo pa sa nanay mo at lola mo kung sino ka, isasagot lang nila ang pangalan mo, pero ang iniisip mo at nilalaman ng puso mo, walang ibang nakakaalam nyan kung di ikaw, kaya ikaw lang ang makakasagot kung ano nga ba ang nagawa mo why the sweetness has gone sour.
  • IT'S OK TO BE BITTER FOR A WHILE. - Sometime, being bitter is better, it makes you stronger, parang ampalaya di ba? Mapakla pero masustansya.  Ladies and gentlemen, alangan naman magpasweet ka pa iniwan ka na? OA ka ha! Plastikera! Idonate kaya kita sa one for all, all for one ng eat bulaga???  Wala naman kasing lokohan ng self, nasaktan ka natural bitter ka, hindi pwedeng friendship na kayo agad ng ex mo, di ba lagi yang linya ng mga nakikipaghiwalay? "We still are the best of friends, I'm still here for you", mga ganyang banat! Pwe!!! You're no longer with her engot, binasura mo nga eh divah??  Kaya distansya amiga ka muna sa kanya, ok lang sabihin ka nilang bitter, because in time you will definitely be BETTER!
  • BE VISIBLE BUT NOT ALWAYS AVAILABLE. - Hindi mo nagets noh? Sabi ko nga eh! Lemme expound on it.  What I'm trying to say is don't hibernate, wag kang magtago, and let the people know that your single and ready to mingle but with doing so, hindi naman lahat ng makikipagdate sayo eh aarya ka at hindi naman pwede lahat na lang ng babae idate mo. Syempre mamimili ka, hindi ka karinderyang bukas sa lahat ng gustong lumamon 24/7 noh! Hindi naman porket single ka kakalantiriin mo at magpapakalantari ka naman sa lahat. Wag ganun. Let them know your single para maraming umaligid and then you can choose for the one that you think is best for you.  Gets na? Kung hindi pa din, matulog ka na lang baka bukas gets mo na!
  • ACCEPT THE FACT THAT IT'S OVER. - It's true that everybody deserves a second chance, but all relationships end.  Accept the truth, that your relationship has ended. It died. But that doesn't mean you are dead, you're a separate entity, namatay ang partnership pero hindi ang partners.  Accept that you are not the one for him and vice versa.  Pagnatanggap mo na yan you're on the road to recovery na pwamis!!!
Sa lahat ng mga broken hearted ngayong balentyms, do not wallow, do not be sad, pwede ka naman bumili ng flowers sa dangwa for yourself, or kumain ka sa resto with your parents, or magpamanicure kasama ang friends mo, or mag inuman kayo ng mga barkada mo, pwede din naman matulog ka maghapon, humarap sa computer at makipagchat, or manood ng movies.  Maraming pwedeng gawin, do not let Feb 14 add to your misery, isang araw lang yan, malay mo Feb 15 mo pala makikilala ang bubuo ng barag mong puso!  Right?!! 









   

Sunday, January 29, 2012

Unsolicited Advice



Hmmmm, I actually don't know how to start this, but I've been thinking of writing my opinions about love that I've shared in the chat room or with the private conversations I had with my online friends.  I know many of you will raise eyebrows and say, "A spinster giving advice on love?! WTF?!"  Oh yes and why not?!  I may be single, but  I have my share of love's ups and downs.  And this is not just about my experience, this is about our experience, yes, OUR, you, me, and the people around us. You might have read and heard some of them, these I think are the ones you need to remember if you are in an online relationship, or even personal relationship, let's at least ponder on the following...(nosebleed! tissue pls!).
  • Find your happiness.  According to Lolo Mario in the coke commercial "napaka-bilis ng panahon. Hanapin mo ang magpapasaya sa'yo, Huwag mong sasayangin sa mga walang kabuluhang bagay", we all enter in a relationship to be happy, if you're not, leave and find someone that will make you happy, madami ng ginagawa si destiny para iasa pa natin to sa kanya, but in doing so, wag ka naman parang pakakak na lahat nalang ng lalake o babae feeling mo sabel this must be love na ang drama mo, ramdamin mo din at pag-aralan mo.  Life is too short to be miserable.
  •  Be faithful.  When you find the one that makes you happy, the one that give colors to your sepia life, be monogamous.  You're not a butterfly that can sip nectar from one flower to another, you're not destined to be like that, wala kang pakpak!  In short wag kang manyakis!  And please, don't lie!
  • Be honest.  It is still the best policy,
    •  Be yourself.  If you're looking for someone or already in a relationship, it's best to be yourself, show who you really are. Be genuine. Wag kang pamember ng recyclable team... wag kang plastic!  Don't put your best foot forward because eventually you'll get tired of it.  
    • Give your time.   Most of the time, because of our busy schedules, we tend to take our partners for granted, coz we think that they are just there and they will always understand us.  But that's a no no!  In order for a relationship to grow, it needs your effort, your time...YOU.  If you are too busy to give it to someone, you are better off alone, coz it will never ever work out.
    •  Respect your partner.  Being in a relationship doesn't mean that it's all fun and sweetness.  As I've said before you are two different individuals with different DNAs, backgrounds, likes and dislikes, naturally there will come a time that you will clash.  And if this happens, respect to each other should still be there.  This would mean;
      • No cursing, no name calling, no shouting.  I know it's hard not to raise your voice when your mad, but as much as possible try to be calm.  Don't call your partner demonyo, baboy, hayup, bwitre etc etc etc.  And of course do not ever curse! Wag na wag mo syang murahin, it's disrespectful.
      • Do not go to facebook or twitter or chatroom and do your ranting.  Utang na loob, walang pakialam ang mga kachatroom mo, kapeysbuk mo at katwirer mo sa mga pinag aawayan nyo.  Resolve your own issue.
      • Don't divulge each others secrets.  Never as in never share your partner's secrets to your friends.  Also, please don't share videos, pictures and conversations that would compromise your partner's reputation.
    • Don't give up your career.  Your online bf/gf is still "virtual", so don't believe in everything he/she says.  Pwede nya sabihin na you two will get married, and because of that you are running to your boss and giving your resignation letter. Unless you meet and get to know the person well, and you are very sure that he'll marry you and he has the money and is willing to support you, you shouldn't be thinking of giving up your career!
    • Give each other space.  Don't lose your individuality. Allow yourself to do things you enjoy doing when you were single.  Don't forget your hobbies, go out with your friends, or just be alone.  And allow him/her to do the same. It's a breather to every relationship.
    • Do not give your password and ask your partner's password.  I know some of you share your passwords or get the passwords of your partner.  For me, it's a no no. It's something personal, you are the only person who should know your passy.  People who have trust issues are the ones who do this. So if you both trust each other, then there's no need to do this.

    LOVE...LOVE...LOVE

        Friday, January 20, 2012

        Tagalog Movie Quotes ala OFW 8!


        Hi fans! Hihihihi.  Lots of blogs have been made for tagalog movie quotes, pero habang naliligo at nagkukuskos  ng banil ko, at syempre pa dahil hindi pa rin nawawala sa dugo ko ang pagiging epal ko, naisip ko na iassociate ang mga famous pinoy movie quotes sa mga roomies ko ngayon sa ocho.

        Sit back, relax and enjoy reading...

        Umpisahan natin sa pinaka epal na si kari.risma aka kita panty aka micca at sa kanyang iniirog na si tagaySharon: Ang problema sayo maaga kang pinanganak.
                     FPJ:      Ang problema sayo huli kang pinanganak.
        Ito yung sikat na mga dialogues nila sa Kahit Konting Pagtingin (1990).  Kung sino ang unang natali kung kanino, eh sila lang nakakaalam nun, pero dahil nga ngayon sila pinagtagpo, sa palagay ko lang bagay na bagay sa kanila ang linyang to.  At isa pa paborito ni tagay si FPJ! hahaha.

        "Simple lang naman ang hinihingi ko, kung hindi mo ko marespeto bilang asawa, respetuhin mo ko bilang kaibigan, kung hindi naman, respetuhin mo ko ako bilang tao". --Vilma Santos, from the movie RELASYON (1982).  Hang bangis ng linyang to tita mics akalain mo naisip mo yan sabihin noon.  Tita mics, don't tell a lie, wag mag deny. 
          
        " Wag kang makaarte arte na akala mo kung sino ka dahil sampid ka lang dito!" --Maricel Soriano, Pinulot ka lang sa Lupa(1987).  Tapos na yung isang epal, Mitch naman aka jamie aka halimuyak, wag mong sabihin sobrang slim nya dahil nuknukan din yan sa pagkaepal, at tulad ko gigil din sya sa maarte at mahilig yan magpalayas ng chatter.  Oh di ba ang taray ni mata??!!  But wait there's more...dahil nga sa love life nya ngayon, ito ang bagay sa kanya..."Once, twice, thrice, gaano ba kadalas ang minsan?" --Hilda Koronel, Gaano kadalas ang Minsan (1982). Hmmmm, michelle, you know what I mean! hahaha

        "Sabellllll!!! This must be love!" - Carmi Martin, Working Girls (1986) Wala akong ibang maisip kung kanino bagay ang linyang to kung di kay jyng aka sweetie jyng aka flirty jyng.  dahil kay Sabel na nababaliw sa bf nyang si Rap. Hahaha! At isa pa. itong lukaret na to punong puno ata talaga ng pagmamahal sa dibdib kaya 40c ang ganap, susme kung di ba naman eh . sa mga feeling nyang ok kausap eh muntik muntikanan ng mainlove, buti na lang epal ako sa buhay nya, at somehow eh napipigilan ko sya...pero teka napigilan ko nga ba? Hindi din ata! Ay ewan! hahaha.

        "Oo Ate, Oo Ate, puro na lang ako oo Ate!  Para akong manikang de susi." - Sharon Cuneta, Nakagapos na Puso (1986).  Wala namang babaeng nagrereklamo sa chatroom at sa pm tungkol sa ate nya kung di sya lang, walang iba kundi si les aka stussy aka bunny ni ran.  Panay ang reklamo, panay din naman ang sunod nya, masunuring bata hahahaha.

        "Pinuno mo na ang salop, judge, dapat ka ng kalusin." - FPJ, Kapag Puno na ang Salop, (1987).  Walang ibang babagayan to kungdi si ran aka gurami aka baby ni les.  Pag may pasaway sa room, humanda ka, walang pakundangan mawawala ka sa ere banned pa id mo hahaha!

        "Get out of my house, I dont need a parasite!"--Maricel Soriano, Separada (1994).  Bagay to kay ate joy aka babyloove para to sa kanyang ex...ate alam mo na kung bakit di ba? hihihihi


        "Time is meaningless when you're in love." - Miss you like Crazy (2009).  Itong quote na to plakak na plakak kay war @ diego. Why? Aba naman umaga, tanghali, gabi, madaling araw, name it id nilang dalawa nasa 8, dun sila nagniniig, aba eh ginawang sogo ang room! Hmp mga to ayaw maghiwalay, lagyan mo nga ng asin bundol! hahaha.

        "Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain." - Vilma Santos, Palimos ng Pag-ibig(1985).  Hmmm alam nyo kung kanino bagay to?? Walang iba kungdi kay jlo aka rambuto, ang babaeng may abs sa muka, lagi naman kasing open ang cam nya at lahat pwedeng magview sa kanya..Echosera!

        "Ikaw pala, ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan!" - Laurice Guillen, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi (1983).  Eto ang dapat sabihin ni mamu aka toxic beauty sa kabet ng asawa nya! Plakak!

        "Si Val, si Val, palagi na lang si Val, si Val na walang malay, si Val na ang tanging kasalanan eh maging anak sa labas!" - Vilma Santos, Saan Nagtatago ang Pag-ibig. (1987).  Bagay kay val aka valentino rossi aka kurutuy, well  obviously dahil sa pangalan nya, pero isa rin sya sa members ng walang malay gang at towel gang sa 8.  Ang motto, wala akong alam dyan! Walang aminan mamula at mangati man ang itlog nila!

        "Cheeta-ehhhhh ganda lalake!" - Rene Requiestas, Starzan (1989).  At sino nga ba ang laging nagsasabi ng magandang lalake sya, yan eh walang iba kungdi si akx aka lasing ako ng ibigin ka.  Talaga din walang pakundangan to sa pagpapaview, mala danilo barrios kasi ang kilay nya so pakiramdam nya pogi talaga sya! Peace tayo hoy! hihihi

        "Ulol! Sinungaling! Panget! Panget!" - Echo, Starzan (1989).  Bagay sa kin to ineepal ko si akx hahahaha.

        "Oo inaamin ko, saging lang kami, Pero maghanap ka ng puno sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso! Saging lang ang may puso!" - Mark Lapid, Apoy sa Dibdib(2006).  Weeehhhh saging lang daw may puso, eh di sige, ikaw na, ikaw na lo aka takbong hubad aka bato!  Dahil ang saging mo ay may nunal sa dulo sabi nga nila sa 8, eh di bagay sayo to, sa dami ba naman ng nahuhumaling sa puso mo lo, ikaw na! Wala kang katulad! Ikaw na ang saging! Bwahahahahaha


        Pero, ngunit, subalit, datapwat, kahit anong search ko ng movie quotes walang nagpakilig sa kin kung di ang mga linyang to mula sa aking giliw..."I'm not just happy with you, I'm home with you!"- Jimrae, Jan14,2012.  Kiligers pa din ako tuwing binabasa ko linyang yan, kalandian na kung kalandian blog ko to noh! Happy Birthday Jimrae! Love u! Muah Muah tsup tsup!

        Thursday, January 19, 2012

        BABOY!


        Pag ba mataba dapat BABOY  na, hindi pa pwedeng voluptuous muna???  Hmmmmmmmmmmmmm....Fine hindi kung hindi! Magmula nung high school hanggang ngayon sa chat room, baboy ang tawag sa kin! Gusto nilang saktan ang damdamin ko paghahalintulad nila sa kin sa baboy.  Siguro naman, it's about time na ipagtanggol ko na ang nilalang na to at ipaaalam sa lahat na hindi masama at hindi nakakainsulto ang BABOY...let's get it on!

        According to wikipedia...A pig is any of the animals in the genus Sus, within the Suidae family of even-toed ungulates. Pigs include the domestic pig, its ancestor the wild boar, and several other wild relatives. Pigs are omnivores and are highly social and intelligent animals. (O kitams sosyal daw at matalino ang mga hayup na to!)

        Ayon naman sa encyclopedia.com...PIG. Human beings eat more meat of the pig than any other domesticated livestock on earth, even with pig being a food forbidden to more than one billion followers of Islam or Judaism. This lowly beast, whose intelligence and cleanliness has been underestimated for centuries, is a prolific animal that quickly converts a variety of feeds to a mild-flavored meat.Despite its utility as a source of food, leather, and pharmaceuticals, the word, pig, is an insult or gentle rebuke in many cultures.

        Self explanatory naman ang mga sinabi ng wikipedia at encyclopedia.com tungkol sa mga baboy na to.  Oo nga at bawal talaga silang ngatain ng mga kapatid nating Muslims dahil sa kanilang paniniwalang panrelihiyon, at hindi ko naman na dapat pakialaman yun, madami pa din , hindi lang sa tin mga pinoy ang kumakain ng baboy.  Sino ba naman sa atin ang aayaw sa lechon? Sa sinigang na baboy, adobo, menudo na pinakapaborito ko, sa pork bar b q, sa lechon kawali sa crispy pata? Hmmm gutom na kayo noh?  Sino ba sa atin ang ayaw ng sisig? Eh ng chicharon na sinawsaw sa sukang maanghang??? Kung vegetarian ka na ngayon, ayaw mo na nyan, pero aminin mo na at one point of your life, isa ka din sa mga lumapastangan at naging dahilan ng kamatayan ng mga to.  Sinasakripisyo nila ang mga sarili nila para lang may masarap kang spaghetti, almusal sa umaga tulad ng hotdog at bacon, at para mapasaya at mapasarap ang pasko mo dahil sa lechon at sa ham! Hindi totoong sila lang ang may kasalanan bakit ka nahahighblood o tumataba, kaya never ko sila sinisi sa pagtaba ko.  Kaya tumataas ang presyon mo dahil sa sobrang sarap ng laman nila hindi mo na madisiplina ang sarili mo, busog ka na panay pa ang papak mo! Matakaw ka na tamad ka pang mag exercise.  Tandaan mo lahat ng sobra masama.  Hindi lang pagkain ang gamit ng mga to, ang balat nila bukod sa masarap na ichicharon, ginagawa din tong leather goods, pati ang mga balahibo nga daw ginagawa pang brush. Oh di ba may silbi sila???

        Hindi lang lalamunin ang silbi nila, ilang beses na ba nila tayong napaibig, napatawa at napaluha? Sino ang hindi maiinlove kay Miss Piggy na talagang matindi ang pagnanais na maging superstar, actually nung late 70s and early 80s naging mas sikat pa sya kay Kermit the Frog who happens to be the love of her life, mas madaming mechandise pa syang nabenta at new york's best seller ang libro nya.  What about the movie BABE, and BABE in the City?  Marami din tayong natutunan sa kwento ng The Three Little Pigs.  May mga songs na din na ginawa para sa baboy.  Hindi lang yun, sa ibang parte ng mundo, parang ibon, aso, pusa, hamster, rabbit at iguana na rin ang mga baboy...ginagawa na silang pet, binibihisan at pinapatulog na sa loob ng bahay. Hindi sila pinababayaan magtampisaw sa putikan.  (Ayoko ng putik, ayoko ng marumi, ayoko ng mabaho hehehe galing yan kay Maricel Soriano sa pelikulang KAYA KONG ABUTIN ANG LANGIT).

        But wait, there's more....ang mga baboy eh isa din sa 12 animals of the chinese astrology.  According to www.chinese-astrology,  people born under this sign are gregarious, trusting and honest, gallant, extremely generous and likes helping others, a peacemaker, extrovert and social, great sense of humor, good natured, passionate in affairs of the heart, forgiving, does not hold grudges, a Connoisseur, immensely popular with an infectious Joie de Vivre, a natural Entertainer.  Wag na natin daanin sa kung anong taon ka ipinanganak, ang katotohanan na lang na pag ang isang tao mataba o sa mga tinatawag nyong BABOY, kadalasan sa kanila (o cge na nga sa amin!), eh natural entertainer, syempre nga naman ikaw ba naman magmukang giant uod sa dami ng segments mo sa katawan dahil sa bilbil mo, hindi ka matawa?  Sa observation ko lang ha, wala akong kilalang mataba na malungkutin, malakas ang sense of humor namin, dahil nga siguro dahil mga lamunista kami, hindi nagkukulang ng nurtrisyon ang mga utak namin kaya ang bilis ng pickup, at pagbagsak ng mga punchlines.  Dahil din siguro sa katabaan namin kita kami agad sa crowd kaya talagang popular ang dating namin sa klase, sa opisina, sa palengke sa simbahan, cge sama mo na rin sa showbiz, although mga ganitong katawan nga eh madalas sa hindi nabubully.  Dahil nga din sa dikta ng media na dapat ang mga babae eh payat at mga lalaki ay may abs, hindi kami madaling magustuhan, hindi kasi kami mga trophy girlfriend or boyfriend, ang mga nagkakagusto sa min, either lolokohin kami or talagang mamahalin kami ng wagas, dahil nga konti lang ang nakakapansin sa min sa larangan ng pag-ibig, ay ate at kuya kung umibig naman talaga kami eh wagas na wagas! Kumbaga eh, kung magmahal kami ay siksik, liglig at nag uumapaw!

        Hmmmm madami na pala kong nasabing magaganda at kapaki pakinabang na bagay dahil sa mga BABOY, kung meron man negative things about them, ano naman ang pakialam ko dun, eh di gumawa ka ng blog mo tungkol dun! At dahil sa sobrang positive ng mga sinabi ko tungkol sa kanila, sa palagay mo ba kaya mo pa kong saktan pagtinawag mo kong BABOY??? Hindi mangyayari yan, cge na aaminin ko na BABOY ako, pero hindi mo ko pwedeng lamunin dahil walang ibang titikim sa kin kung di si darter kong ginigiliw! (Nasingit na naman kita Jimrae! Yaan mo na birthday mo na sa Sabado eh! love u! hahaha ang landi ko talaga!)


        ANG BABOY...bow!

        Tuesday, January 17, 2012

        bato bato masdan ang ginawa mo sa ocho!

        Takbong hubad, yan ang una nyang pasok sa 8, makulit magcomment, masayahin, pasaway, epal.  Una syang napansin ni mitch at ni les dahil nga sa id nya, isa ata sya sa mga sumali sa oblation run sa UP kaya nya ginamit yang id na yan.  Hindi ko alam ang tunay na pangalan nya, pero nakaclose ko nga sya dahil sa kalokohan nya. Luko luko pero di naman sya bastos.  Mas nakilala sya sa id na  BATO_DAMO.  Lo ang tawag ko sa kanya, mo naman ang tawag nya sa kin.  Sikat sya sa room, sya ang popular dj ngayon.  Magaganda naman talaga ang playlist nya. Pero hindi lang sya sikat dahil don, sikat sya kasi ang daming babaeng nahuhumaling sa kanya. Minsan nga tinanong sya ni les kung may nunal daw ba sya sa _it_.  Para syang may magic, ang dali nyang makaclose ang gusto nyang makaclose. May karisma ang bata kumbaga. Well, mabait naman kasi, may sense f humor. Siguro mabuladas din sa mga babaeng nagugustuhan nya.  Nakakatawa lang dito ang mga babae pagnakaclose nya feeling na syota nya, ditona magkakagulo kasi nga idedeny ka ni bato.  Dumating na sa puntong hinack na ang computer, nakey log ang loko, nakuha ang lahat ng ids pati ang archive nadale.  Ang gulo ng room ng non madaming nadamay.  Pero dahil matikas nga nagpatuloy sa kanyang kasiyahan, naging nobya si ulap, tapos may pumasok na bago, hanggang sa nawala na sila ni ulap.  Ngayon may bago na naman ata hahaha.  Pero kahit naman ganyan yan, sabihin na nating babaero, para sa kin na tinatrato syang nakababatang kapatid, mabait naman yan.  Minsan na rin kaming nagkaron ng di pagkakaintindihan, hindi nagpansinan, pero he was gentleman enough to say sorry, nagpakumbaba kaya bati ulit kami ngayon.  Ilang beses na namin syang laging pinagtitripan ni friendship at ni les, hanggang sa facebook nakakarating kami pero never naman nya kaming namura. Game naman syang makipagkulitan sa min.  Minsan na rin syang tumawag at nanghingi ng payo sa kin, akalain mo yun naniwala sa buribot kong utak.  Ako din naman at one point sa kanya ko nagsusumbong yung may isang tarantadong walang pakundangan kung magyabang sa kin kala mo kung sino, at isa lang sinabi nya mo, wag mong kausapin yan baka mamura ko pa yan! hahaha. People will perceive him as arrogant, womanizer, bad boy, but when you get to talk to him one on one, even if he's young, he has a lot of sense.  I guess that's also one of the many reasons why girls are all over him.  He's not all bad, at naniniwala talaga akong may mabuting kalooban ang taong to kaya nga lagi na lang ako nakikisawsaw sa mga laban neto sa 8. I wish that this year, he will find true happiness, true love, so he could show the world na hindi BATO si BATO para na rin walang nagwawala at nagpapanggap na kung sino sino sa para lang mapasakitan ang adonis ng 8! hahahaha