"Minsan hindi rin naman talaga ginusto ng mga taong minahal naten ang saktan tayo. Hindi naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan kailangan natin tanggapin na sa paniniwala nila, mas mahal nila yun. Ganun lang naman talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin, kung tayo ang nasa sitwasyon di ba? Lahat tayo mararanasang AGAWIN, MANG-AGAW at MAAGAWAN. Pana-panahon lang yan". - Bob Ong
Tuesday, January 17, 2012
bato bato masdan ang ginawa mo sa ocho!
Takbong hubad, yan ang una nyang pasok sa 8, makulit magcomment, masayahin, pasaway, epal. Una syang napansin ni mitch at ni les dahil nga sa id nya, isa ata sya sa mga sumali sa oblation run sa UP kaya nya ginamit yang id na yan. Hindi ko alam ang tunay na pangalan nya, pero nakaclose ko nga sya dahil sa kalokohan nya. Luko luko pero di naman sya bastos. Mas nakilala sya sa id na BATO_DAMO. Lo ang tawag ko sa kanya, mo naman ang tawag nya sa kin. Sikat sya sa room, sya ang popular dj ngayon. Magaganda naman talaga ang playlist nya. Pero hindi lang sya sikat dahil don, sikat sya kasi ang daming babaeng nahuhumaling sa kanya. Minsan nga tinanong sya ni les kung may nunal daw ba sya sa _it_. Para syang may magic, ang dali nyang makaclose ang gusto nyang makaclose. May karisma ang bata kumbaga. Well, mabait naman kasi, may sense f humor. Siguro mabuladas din sa mga babaeng nagugustuhan nya. Nakakatawa lang dito ang mga babae pagnakaclose nya feeling na syota nya, ditona magkakagulo kasi nga idedeny ka ni bato. Dumating na sa puntong hinack na ang computer, nakey log ang loko, nakuha ang lahat ng ids pati ang archive nadale. Ang gulo ng room ng non madaming nadamay. Pero dahil matikas nga nagpatuloy sa kanyang kasiyahan, naging nobya si ulap, tapos may pumasok na bago, hanggang sa nawala na sila ni ulap. Ngayon may bago na naman ata hahaha. Pero kahit naman ganyan yan, sabihin na nating babaero, para sa kin na tinatrato syang nakababatang kapatid, mabait naman yan. Minsan na rin kaming nagkaron ng di pagkakaintindihan, hindi nagpansinan, pero he was gentleman enough to say sorry, nagpakumbaba kaya bati ulit kami ngayon. Ilang beses na namin syang laging pinagtitripan ni friendship at ni les, hanggang sa facebook nakakarating kami pero never naman nya kaming namura. Game naman syang makipagkulitan sa min. Minsan na rin syang tumawag at nanghingi ng payo sa kin, akalain mo yun naniwala sa buribot kong utak. Ako din naman at one point sa kanya ko nagsusumbong yung may isang tarantadong walang pakundangan kung magyabang sa kin kala mo kung sino, at isa lang sinabi nya mo, wag mong kausapin yan baka mamura ko pa yan! hahaha. People will perceive him as arrogant, womanizer, bad boy, but when you get to talk to him one on one, even if he's young, he has a lot of sense. I guess that's also one of the many reasons why girls are all over him. He's not all bad, at naniniwala talaga akong may mabuting kalooban ang taong to kaya nga lagi na lang ako nakikisawsaw sa mga laban neto sa 8. I wish that this year, he will find true happiness, true love, so he could show the world na hindi BATO si BATO para na rin walang nagwawala at nagpapanggap na kung sino sino sa para lang mapasakitan ang adonis ng 8! hahahaha
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
agree aq dun....
ReplyDeletemabait si shock pag nakilala talaga masarap din kausap..
lal0 na pagdating sa banda...
lapitin lang talaga ng babae...
oo mabait talaga sya talagang lang may nunal daw dun sa ano nya! hahaha
ReplyDeletekung di ako nagkakamali kilala ko si Bato!! nasa Canada ba sya Blue?
ReplyDeletehindi nasa pinas lang sya, hindi sya si batang :))
ReplyDeletebasta akin lang sya te b hehe
ReplyDeletedont worry lesh bantayan ko para sayo kahit naging kayo!hahaha
ReplyDelete