Friday, January 20, 2012

Tagalog Movie Quotes ala OFW 8!


Hi fans! Hihihihi.  Lots of blogs have been made for tagalog movie quotes, pero habang naliligo at nagkukuskos  ng banil ko, at syempre pa dahil hindi pa rin nawawala sa dugo ko ang pagiging epal ko, naisip ko na iassociate ang mga famous pinoy movie quotes sa mga roomies ko ngayon sa ocho.

Sit back, relax and enjoy reading...

Umpisahan natin sa pinaka epal na si kari.risma aka kita panty aka micca at sa kanyang iniirog na si tagaySharon: Ang problema sayo maaga kang pinanganak.
             FPJ:      Ang problema sayo huli kang pinanganak.
Ito yung sikat na mga dialogues nila sa Kahit Konting Pagtingin (1990).  Kung sino ang unang natali kung kanino, eh sila lang nakakaalam nun, pero dahil nga ngayon sila pinagtagpo, sa palagay ko lang bagay na bagay sa kanila ang linyang to.  At isa pa paborito ni tagay si FPJ! hahaha.

"Simple lang naman ang hinihingi ko, kung hindi mo ko marespeto bilang asawa, respetuhin mo ko bilang kaibigan, kung hindi naman, respetuhin mo ko ako bilang tao". --Vilma Santos, from the movie RELASYON (1982).  Hang bangis ng linyang to tita mics akalain mo naisip mo yan sabihin noon.  Tita mics, don't tell a lie, wag mag deny. 
  
" Wag kang makaarte arte na akala mo kung sino ka dahil sampid ka lang dito!" --Maricel Soriano, Pinulot ka lang sa Lupa(1987).  Tapos na yung isang epal, Mitch naman aka jamie aka halimuyak, wag mong sabihin sobrang slim nya dahil nuknukan din yan sa pagkaepal, at tulad ko gigil din sya sa maarte at mahilig yan magpalayas ng chatter.  Oh di ba ang taray ni mata??!!  But wait there's more...dahil nga sa love life nya ngayon, ito ang bagay sa kanya..."Once, twice, thrice, gaano ba kadalas ang minsan?" --Hilda Koronel, Gaano kadalas ang Minsan (1982). Hmmmm, michelle, you know what I mean! hahaha

"Sabellllll!!! This must be love!" - Carmi Martin, Working Girls (1986) Wala akong ibang maisip kung kanino bagay ang linyang to kung di kay jyng aka sweetie jyng aka flirty jyng.  dahil kay Sabel na nababaliw sa bf nyang si Rap. Hahaha! At isa pa. itong lukaret na to punong puno ata talaga ng pagmamahal sa dibdib kaya 40c ang ganap, susme kung di ba naman eh . sa mga feeling nyang ok kausap eh muntik muntikanan ng mainlove, buti na lang epal ako sa buhay nya, at somehow eh napipigilan ko sya...pero teka napigilan ko nga ba? Hindi din ata! Ay ewan! hahaha.

"Oo Ate, Oo Ate, puro na lang ako oo Ate!  Para akong manikang de susi." - Sharon Cuneta, Nakagapos na Puso (1986).  Wala namang babaeng nagrereklamo sa chatroom at sa pm tungkol sa ate nya kung di sya lang, walang iba kundi si les aka stussy aka bunny ni ran.  Panay ang reklamo, panay din naman ang sunod nya, masunuring bata hahahaha.

"Pinuno mo na ang salop, judge, dapat ka ng kalusin." - FPJ, Kapag Puno na ang Salop, (1987).  Walang ibang babagayan to kungdi si ran aka gurami aka baby ni les.  Pag may pasaway sa room, humanda ka, walang pakundangan mawawala ka sa ere banned pa id mo hahaha!

"Get out of my house, I dont need a parasite!"--Maricel Soriano, Separada (1994).  Bagay to kay ate joy aka babyloove para to sa kanyang ex...ate alam mo na kung bakit di ba? hihihihi


"Time is meaningless when you're in love." - Miss you like Crazy (2009).  Itong quote na to plakak na plakak kay war @ diego. Why? Aba naman umaga, tanghali, gabi, madaling araw, name it id nilang dalawa nasa 8, dun sila nagniniig, aba eh ginawang sogo ang room! Hmp mga to ayaw maghiwalay, lagyan mo nga ng asin bundol! hahaha.

"Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain." - Vilma Santos, Palimos ng Pag-ibig(1985).  Hmmm alam nyo kung kanino bagay to?? Walang iba kungdi kay jlo aka rambuto, ang babaeng may abs sa muka, lagi naman kasing open ang cam nya at lahat pwedeng magview sa kanya..Echosera!

"Ikaw pala, ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan!" - Laurice Guillen, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi (1983).  Eto ang dapat sabihin ni mamu aka toxic beauty sa kabet ng asawa nya! Plakak!

"Si Val, si Val, palagi na lang si Val, si Val na walang malay, si Val na ang tanging kasalanan eh maging anak sa labas!" - Vilma Santos, Saan Nagtatago ang Pag-ibig. (1987).  Bagay kay val aka valentino rossi aka kurutuy, well  obviously dahil sa pangalan nya, pero isa rin sya sa members ng walang malay gang at towel gang sa 8.  Ang motto, wala akong alam dyan! Walang aminan mamula at mangati man ang itlog nila!

"Cheeta-ehhhhh ganda lalake!" - Rene Requiestas, Starzan (1989).  At sino nga ba ang laging nagsasabi ng magandang lalake sya, yan eh walang iba kungdi si akx aka lasing ako ng ibigin ka.  Talaga din walang pakundangan to sa pagpapaview, mala danilo barrios kasi ang kilay nya so pakiramdam nya pogi talaga sya! Peace tayo hoy! hihihi

"Ulol! Sinungaling! Panget! Panget!" - Echo, Starzan (1989).  Bagay sa kin to ineepal ko si akx hahahaha.

"Oo inaamin ko, saging lang kami, Pero maghanap ka ng puno sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso! Saging lang ang may puso!" - Mark Lapid, Apoy sa Dibdib(2006).  Weeehhhh saging lang daw may puso, eh di sige, ikaw na, ikaw na lo aka takbong hubad aka bato!  Dahil ang saging mo ay may nunal sa dulo sabi nga nila sa 8, eh di bagay sayo to, sa dami ba naman ng nahuhumaling sa puso mo lo, ikaw na! Wala kang katulad! Ikaw na ang saging! Bwahahahahaha


Pero, ngunit, subalit, datapwat, kahit anong search ko ng movie quotes walang nagpakilig sa kin kung di ang mga linyang to mula sa aking giliw..."I'm not just happy with you, I'm home with you!"- Jimrae, Jan14,2012.  Kiligers pa din ako tuwing binabasa ko linyang yan, kalandian na kung kalandian blog ko to noh! Happy Birthday Jimrae! Love u! Muah Muah tsup tsup!

6 comments:

  1. at talaga namang wla aq masabi...
    ganda nang pag kahabi...galing ng mga pik up lines s m0vie...
    at ang dik0 makalimutang linya ni res nakaka-inggit..
    napaisip aq..palagay q its ab0ut time na na palitan mo name mo sa pr0file..wla aq maiisip suggest per0 lam q mabilis gumana utak m0..un name na bagay sa isang bl0gger..blue margarette <----epal parin basahin at pakinggan..peace\m/

    ReplyDelete
  2. makatago nga sa ibang id#-ohahaha=))

    ReplyDelete
  3. bwahaha at bakit ka naman magtatago?!sabi ko naman sayo nasa dugo ko na nag pagiging epal eh! hahaha

    ReplyDelete
  4. so ranny dis is what you have been up to?thank you for sharing gosh she still up to those movies, been thinking hmm sama you me sa chatroom na yan.goodluck to you blue margarette.guess u really inspired what can i say more.well done girl.

    ReplyDelete
  5. abah at nag-comment kpa...naku hindi ka pde dun maarte ka maxado=))hahaha
    gus2 mo ba mabalahura ng b0ngga dun...hahaha wla kpa naman panagang..
    sery0so pal wag na..sag0t kita pag dun ka eh at alam q kaartehan mo..magbasa kna lang d2 para updated ka lol=))

    ReplyDelete
  6. tnx era na friendship pala ng warlak! sama mo yan war para alam nya mga pinagsasabi ko dito. eh ano kung mabalahura? ako ngang epal na nababalahura pa eh! hahahaha. overseas filipino workers zone 8 era, pasok na!

    ReplyDelete