Thursday, January 19, 2012

BABOY!


Pag ba mataba dapat BABOY  na, hindi pa pwedeng voluptuous muna???  Hmmmmmmmmmmmmm....Fine hindi kung hindi! Magmula nung high school hanggang ngayon sa chat room, baboy ang tawag sa kin! Gusto nilang saktan ang damdamin ko paghahalintulad nila sa kin sa baboy.  Siguro naman, it's about time na ipagtanggol ko na ang nilalang na to at ipaaalam sa lahat na hindi masama at hindi nakakainsulto ang BABOY...let's get it on!

According to wikipedia...A pig is any of the animals in the genus Sus, within the Suidae family of even-toed ungulates. Pigs include the domestic pig, its ancestor the wild boar, and several other wild relatives. Pigs are omnivores and are highly social and intelligent animals. (O kitams sosyal daw at matalino ang mga hayup na to!)

Ayon naman sa encyclopedia.com...PIG. Human beings eat more meat of the pig than any other domesticated livestock on earth, even with pig being a food forbidden to more than one billion followers of Islam or Judaism. This lowly beast, whose intelligence and cleanliness has been underestimated for centuries, is a prolific animal that quickly converts a variety of feeds to a mild-flavored meat.Despite its utility as a source of food, leather, and pharmaceuticals, the word, pig, is an insult or gentle rebuke in many cultures.

Self explanatory naman ang mga sinabi ng wikipedia at encyclopedia.com tungkol sa mga baboy na to.  Oo nga at bawal talaga silang ngatain ng mga kapatid nating Muslims dahil sa kanilang paniniwalang panrelihiyon, at hindi ko naman na dapat pakialaman yun, madami pa din , hindi lang sa tin mga pinoy ang kumakain ng baboy.  Sino ba naman sa atin ang aayaw sa lechon? Sa sinigang na baboy, adobo, menudo na pinakapaborito ko, sa pork bar b q, sa lechon kawali sa crispy pata? Hmmm gutom na kayo noh?  Sino ba sa atin ang ayaw ng sisig? Eh ng chicharon na sinawsaw sa sukang maanghang??? Kung vegetarian ka na ngayon, ayaw mo na nyan, pero aminin mo na at one point of your life, isa ka din sa mga lumapastangan at naging dahilan ng kamatayan ng mga to.  Sinasakripisyo nila ang mga sarili nila para lang may masarap kang spaghetti, almusal sa umaga tulad ng hotdog at bacon, at para mapasaya at mapasarap ang pasko mo dahil sa lechon at sa ham! Hindi totoong sila lang ang may kasalanan bakit ka nahahighblood o tumataba, kaya never ko sila sinisi sa pagtaba ko.  Kaya tumataas ang presyon mo dahil sa sobrang sarap ng laman nila hindi mo na madisiplina ang sarili mo, busog ka na panay pa ang papak mo! Matakaw ka na tamad ka pang mag exercise.  Tandaan mo lahat ng sobra masama.  Hindi lang pagkain ang gamit ng mga to, ang balat nila bukod sa masarap na ichicharon, ginagawa din tong leather goods, pati ang mga balahibo nga daw ginagawa pang brush. Oh di ba may silbi sila???

Hindi lang lalamunin ang silbi nila, ilang beses na ba nila tayong napaibig, napatawa at napaluha? Sino ang hindi maiinlove kay Miss Piggy na talagang matindi ang pagnanais na maging superstar, actually nung late 70s and early 80s naging mas sikat pa sya kay Kermit the Frog who happens to be the love of her life, mas madaming mechandise pa syang nabenta at new york's best seller ang libro nya.  What about the movie BABE, and BABE in the City?  Marami din tayong natutunan sa kwento ng The Three Little Pigs.  May mga songs na din na ginawa para sa baboy.  Hindi lang yun, sa ibang parte ng mundo, parang ibon, aso, pusa, hamster, rabbit at iguana na rin ang mga baboy...ginagawa na silang pet, binibihisan at pinapatulog na sa loob ng bahay. Hindi sila pinababayaan magtampisaw sa putikan.  (Ayoko ng putik, ayoko ng marumi, ayoko ng mabaho hehehe galing yan kay Maricel Soriano sa pelikulang KAYA KONG ABUTIN ANG LANGIT).

But wait, there's more....ang mga baboy eh isa din sa 12 animals of the chinese astrology.  According to www.chinese-astrology,  people born under this sign are gregarious, trusting and honest, gallant, extremely generous and likes helping others, a peacemaker, extrovert and social, great sense of humor, good natured, passionate in affairs of the heart, forgiving, does not hold grudges, a Connoisseur, immensely popular with an infectious Joie de Vivre, a natural Entertainer.  Wag na natin daanin sa kung anong taon ka ipinanganak, ang katotohanan na lang na pag ang isang tao mataba o sa mga tinatawag nyong BABOY, kadalasan sa kanila (o cge na nga sa amin!), eh natural entertainer, syempre nga naman ikaw ba naman magmukang giant uod sa dami ng segments mo sa katawan dahil sa bilbil mo, hindi ka matawa?  Sa observation ko lang ha, wala akong kilalang mataba na malungkutin, malakas ang sense of humor namin, dahil nga siguro dahil mga lamunista kami, hindi nagkukulang ng nurtrisyon ang mga utak namin kaya ang bilis ng pickup, at pagbagsak ng mga punchlines.  Dahil din siguro sa katabaan namin kita kami agad sa crowd kaya talagang popular ang dating namin sa klase, sa opisina, sa palengke sa simbahan, cge sama mo na rin sa showbiz, although mga ganitong katawan nga eh madalas sa hindi nabubully.  Dahil nga din sa dikta ng media na dapat ang mga babae eh payat at mga lalaki ay may abs, hindi kami madaling magustuhan, hindi kasi kami mga trophy girlfriend or boyfriend, ang mga nagkakagusto sa min, either lolokohin kami or talagang mamahalin kami ng wagas, dahil nga konti lang ang nakakapansin sa min sa larangan ng pag-ibig, ay ate at kuya kung umibig naman talaga kami eh wagas na wagas! Kumbaga eh, kung magmahal kami ay siksik, liglig at nag uumapaw!

Hmmmm madami na pala kong nasabing magaganda at kapaki pakinabang na bagay dahil sa mga BABOY, kung meron man negative things about them, ano naman ang pakialam ko dun, eh di gumawa ka ng blog mo tungkol dun! At dahil sa sobrang positive ng mga sinabi ko tungkol sa kanila, sa palagay mo ba kaya mo pa kong saktan pagtinawag mo kong BABOY??? Hindi mangyayari yan, cge na aaminin ko na BABOY ako, pero hindi mo ko pwedeng lamunin dahil walang ibang titikim sa kin kung di si darter kong ginigiliw! (Nasingit na naman kita Jimrae! Yaan mo na birthday mo na sa Sabado eh! love u! hahaha ang landi ko talaga!)


ANG BABOY...bow!

6 comments:

  1. very informative,hihihi!! dami kong natutunan!! weno kung baboy db?!!

    ReplyDelete
  2. tnx naman! hahaha may pakinabang ang pambababoy ko. uu nga baboy na kung baboy! hahaha

    ReplyDelete
  3. hahahahaha! pinaghandaan at nagresearch talaga!! hindi ka naman nagiisa sa larangan ng mga hayop. dahil ako since hs mataba na ako at hanggang ngayon keri pa rin hahaha in fact i was nick named BOINKY dahil nga para akong penguin na pig na rin noon lels!! pero ngayon pinagiisipan ko na ng mabuti ang bago kong career, ang pagjojogging thrice a week!!! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. quin inaabangan ko talaga ang reaction mo! hahhaha salamat sa muling pagdalaw. hmmm pag isipan ko din yang jogging na yan, meantime papanaginipan ko na lang muna na tumatakbo ako! hahahaha

      Delete
  4. palala na nang palala ang mga sinusulat m0 jimrae..nakaka-adik na xa parang series lang sinusundan...at talaga namang hindi nawawala si res..

    ReplyDelete