Sunday, January 29, 2012

Unsolicited Advice



Hmmmm, I actually don't know how to start this, but I've been thinking of writing my opinions about love that I've shared in the chat room or with the private conversations I had with my online friends.  I know many of you will raise eyebrows and say, "A spinster giving advice on love?! WTF?!"  Oh yes and why not?!  I may be single, but  I have my share of love's ups and downs.  And this is not just about my experience, this is about our experience, yes, OUR, you, me, and the people around us. You might have read and heard some of them, these I think are the ones you need to remember if you are in an online relationship, or even personal relationship, let's at least ponder on the following...(nosebleed! tissue pls!).
  • Find your happiness.  According to Lolo Mario in the coke commercial "napaka-bilis ng panahon. Hanapin mo ang magpapasaya sa'yo, Huwag mong sasayangin sa mga walang kabuluhang bagay", we all enter in a relationship to be happy, if you're not, leave and find someone that will make you happy, madami ng ginagawa si destiny para iasa pa natin to sa kanya, but in doing so, wag ka naman parang pakakak na lahat nalang ng lalake o babae feeling mo sabel this must be love na ang drama mo, ramdamin mo din at pag-aralan mo.  Life is too short to be miserable.
  •  Be faithful.  When you find the one that makes you happy, the one that give colors to your sepia life, be monogamous.  You're not a butterfly that can sip nectar from one flower to another, you're not destined to be like that, wala kang pakpak!  In short wag kang manyakis!  And please, don't lie!
  • Be honest.  It is still the best policy,
    •  Be yourself.  If you're looking for someone or already in a relationship, it's best to be yourself, show who you really are. Be genuine. Wag kang pamember ng recyclable team... wag kang plastic!  Don't put your best foot forward because eventually you'll get tired of it.  
    • Give your time.   Most of the time, because of our busy schedules, we tend to take our partners for granted, coz we think that they are just there and they will always understand us.  But that's a no no!  In order for a relationship to grow, it needs your effort, your time...YOU.  If you are too busy to give it to someone, you are better off alone, coz it will never ever work out.
    •  Respect your partner.  Being in a relationship doesn't mean that it's all fun and sweetness.  As I've said before you are two different individuals with different DNAs, backgrounds, likes and dislikes, naturally there will come a time that you will clash.  And if this happens, respect to each other should still be there.  This would mean;
      • No cursing, no name calling, no shouting.  I know it's hard not to raise your voice when your mad, but as much as possible try to be calm.  Don't call your partner demonyo, baboy, hayup, bwitre etc etc etc.  And of course do not ever curse! Wag na wag mo syang murahin, it's disrespectful.
      • Do not go to facebook or twitter or chatroom and do your ranting.  Utang na loob, walang pakialam ang mga kachatroom mo, kapeysbuk mo at katwirer mo sa mga pinag aawayan nyo.  Resolve your own issue.
      • Don't divulge each others secrets.  Never as in never share your partner's secrets to your friends.  Also, please don't share videos, pictures and conversations that would compromise your partner's reputation.
    • Don't give up your career.  Your online bf/gf is still "virtual", so don't believe in everything he/she says.  Pwede nya sabihin na you two will get married, and because of that you are running to your boss and giving your resignation letter. Unless you meet and get to know the person well, and you are very sure that he'll marry you and he has the money and is willing to support you, you shouldn't be thinking of giving up your career!
    • Give each other space.  Don't lose your individuality. Allow yourself to do things you enjoy doing when you were single.  Don't forget your hobbies, go out with your friends, or just be alone.  And allow him/her to do the same. It's a breather to every relationship.
    • Do not give your password and ask your partner's password.  I know some of you share your passwords or get the passwords of your partner.  For me, it's a no no. It's something personal, you are the only person who should know your passy.  People who have trust issues are the ones who do this. So if you both trust each other, then there's no need to do this.

    LOVE...LOVE...LOVE

        Friday, January 20, 2012

        Tagalog Movie Quotes ala OFW 8!


        Hi fans! Hihihihi.  Lots of blogs have been made for tagalog movie quotes, pero habang naliligo at nagkukuskos  ng banil ko, at syempre pa dahil hindi pa rin nawawala sa dugo ko ang pagiging epal ko, naisip ko na iassociate ang mga famous pinoy movie quotes sa mga roomies ko ngayon sa ocho.

        Sit back, relax and enjoy reading...

        Umpisahan natin sa pinaka epal na si kari.risma aka kita panty aka micca at sa kanyang iniirog na si tagaySharon: Ang problema sayo maaga kang pinanganak.
                     FPJ:      Ang problema sayo huli kang pinanganak.
        Ito yung sikat na mga dialogues nila sa Kahit Konting Pagtingin (1990).  Kung sino ang unang natali kung kanino, eh sila lang nakakaalam nun, pero dahil nga ngayon sila pinagtagpo, sa palagay ko lang bagay na bagay sa kanila ang linyang to.  At isa pa paborito ni tagay si FPJ! hahaha.

        "Simple lang naman ang hinihingi ko, kung hindi mo ko marespeto bilang asawa, respetuhin mo ko bilang kaibigan, kung hindi naman, respetuhin mo ko ako bilang tao". --Vilma Santos, from the movie RELASYON (1982).  Hang bangis ng linyang to tita mics akalain mo naisip mo yan sabihin noon.  Tita mics, don't tell a lie, wag mag deny. 
          
        " Wag kang makaarte arte na akala mo kung sino ka dahil sampid ka lang dito!" --Maricel Soriano, Pinulot ka lang sa Lupa(1987).  Tapos na yung isang epal, Mitch naman aka jamie aka halimuyak, wag mong sabihin sobrang slim nya dahil nuknukan din yan sa pagkaepal, at tulad ko gigil din sya sa maarte at mahilig yan magpalayas ng chatter.  Oh di ba ang taray ni mata??!!  But wait there's more...dahil nga sa love life nya ngayon, ito ang bagay sa kanya..."Once, twice, thrice, gaano ba kadalas ang minsan?" --Hilda Koronel, Gaano kadalas ang Minsan (1982). Hmmmm, michelle, you know what I mean! hahaha

        "Sabellllll!!! This must be love!" - Carmi Martin, Working Girls (1986) Wala akong ibang maisip kung kanino bagay ang linyang to kung di kay jyng aka sweetie jyng aka flirty jyng.  dahil kay Sabel na nababaliw sa bf nyang si Rap. Hahaha! At isa pa. itong lukaret na to punong puno ata talaga ng pagmamahal sa dibdib kaya 40c ang ganap, susme kung di ba naman eh . sa mga feeling nyang ok kausap eh muntik muntikanan ng mainlove, buti na lang epal ako sa buhay nya, at somehow eh napipigilan ko sya...pero teka napigilan ko nga ba? Hindi din ata! Ay ewan! hahaha.

        "Oo Ate, Oo Ate, puro na lang ako oo Ate!  Para akong manikang de susi." - Sharon Cuneta, Nakagapos na Puso (1986).  Wala namang babaeng nagrereklamo sa chatroom at sa pm tungkol sa ate nya kung di sya lang, walang iba kundi si les aka stussy aka bunny ni ran.  Panay ang reklamo, panay din naman ang sunod nya, masunuring bata hahahaha.

        "Pinuno mo na ang salop, judge, dapat ka ng kalusin." - FPJ, Kapag Puno na ang Salop, (1987).  Walang ibang babagayan to kungdi si ran aka gurami aka baby ni les.  Pag may pasaway sa room, humanda ka, walang pakundangan mawawala ka sa ere banned pa id mo hahaha!

        "Get out of my house, I dont need a parasite!"--Maricel Soriano, Separada (1994).  Bagay to kay ate joy aka babyloove para to sa kanyang ex...ate alam mo na kung bakit di ba? hihihihi


        "Time is meaningless when you're in love." - Miss you like Crazy (2009).  Itong quote na to plakak na plakak kay war @ diego. Why? Aba naman umaga, tanghali, gabi, madaling araw, name it id nilang dalawa nasa 8, dun sila nagniniig, aba eh ginawang sogo ang room! Hmp mga to ayaw maghiwalay, lagyan mo nga ng asin bundol! hahaha.

        "Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain." - Vilma Santos, Palimos ng Pag-ibig(1985).  Hmmm alam nyo kung kanino bagay to?? Walang iba kungdi kay jlo aka rambuto, ang babaeng may abs sa muka, lagi naman kasing open ang cam nya at lahat pwedeng magview sa kanya..Echosera!

        "Ikaw pala, ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan!" - Laurice Guillen, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi (1983).  Eto ang dapat sabihin ni mamu aka toxic beauty sa kabet ng asawa nya! Plakak!

        "Si Val, si Val, palagi na lang si Val, si Val na walang malay, si Val na ang tanging kasalanan eh maging anak sa labas!" - Vilma Santos, Saan Nagtatago ang Pag-ibig. (1987).  Bagay kay val aka valentino rossi aka kurutuy, well  obviously dahil sa pangalan nya, pero isa rin sya sa members ng walang malay gang at towel gang sa 8.  Ang motto, wala akong alam dyan! Walang aminan mamula at mangati man ang itlog nila!

        "Cheeta-ehhhhh ganda lalake!" - Rene Requiestas, Starzan (1989).  At sino nga ba ang laging nagsasabi ng magandang lalake sya, yan eh walang iba kungdi si akx aka lasing ako ng ibigin ka.  Talaga din walang pakundangan to sa pagpapaview, mala danilo barrios kasi ang kilay nya so pakiramdam nya pogi talaga sya! Peace tayo hoy! hihihi

        "Ulol! Sinungaling! Panget! Panget!" - Echo, Starzan (1989).  Bagay sa kin to ineepal ko si akx hahahaha.

        "Oo inaamin ko, saging lang kami, Pero maghanap ka ng puno sa buong Pilipinas, saging lang ang may puso! Saging lang ang may puso!" - Mark Lapid, Apoy sa Dibdib(2006).  Weeehhhh saging lang daw may puso, eh di sige, ikaw na, ikaw na lo aka takbong hubad aka bato!  Dahil ang saging mo ay may nunal sa dulo sabi nga nila sa 8, eh di bagay sayo to, sa dami ba naman ng nahuhumaling sa puso mo lo, ikaw na! Wala kang katulad! Ikaw na ang saging! Bwahahahahaha


        Pero, ngunit, subalit, datapwat, kahit anong search ko ng movie quotes walang nagpakilig sa kin kung di ang mga linyang to mula sa aking giliw..."I'm not just happy with you, I'm home with you!"- Jimrae, Jan14,2012.  Kiligers pa din ako tuwing binabasa ko linyang yan, kalandian na kung kalandian blog ko to noh! Happy Birthday Jimrae! Love u! Muah Muah tsup tsup!

        Thursday, January 19, 2012

        BABOY!


        Pag ba mataba dapat BABOY  na, hindi pa pwedeng voluptuous muna???  Hmmmmmmmmmmmmm....Fine hindi kung hindi! Magmula nung high school hanggang ngayon sa chat room, baboy ang tawag sa kin! Gusto nilang saktan ang damdamin ko paghahalintulad nila sa kin sa baboy.  Siguro naman, it's about time na ipagtanggol ko na ang nilalang na to at ipaaalam sa lahat na hindi masama at hindi nakakainsulto ang BABOY...let's get it on!

        According to wikipedia...A pig is any of the animals in the genus Sus, within the Suidae family of even-toed ungulates. Pigs include the domestic pig, its ancestor the wild boar, and several other wild relatives. Pigs are omnivores and are highly social and intelligent animals. (O kitams sosyal daw at matalino ang mga hayup na to!)

        Ayon naman sa encyclopedia.com...PIG. Human beings eat more meat of the pig than any other domesticated livestock on earth, even with pig being a food forbidden to more than one billion followers of Islam or Judaism. This lowly beast, whose intelligence and cleanliness has been underestimated for centuries, is a prolific animal that quickly converts a variety of feeds to a mild-flavored meat.Despite its utility as a source of food, leather, and pharmaceuticals, the word, pig, is an insult or gentle rebuke in many cultures.

        Self explanatory naman ang mga sinabi ng wikipedia at encyclopedia.com tungkol sa mga baboy na to.  Oo nga at bawal talaga silang ngatain ng mga kapatid nating Muslims dahil sa kanilang paniniwalang panrelihiyon, at hindi ko naman na dapat pakialaman yun, madami pa din , hindi lang sa tin mga pinoy ang kumakain ng baboy.  Sino ba naman sa atin ang aayaw sa lechon? Sa sinigang na baboy, adobo, menudo na pinakapaborito ko, sa pork bar b q, sa lechon kawali sa crispy pata? Hmmm gutom na kayo noh?  Sino ba sa atin ang ayaw ng sisig? Eh ng chicharon na sinawsaw sa sukang maanghang??? Kung vegetarian ka na ngayon, ayaw mo na nyan, pero aminin mo na at one point of your life, isa ka din sa mga lumapastangan at naging dahilan ng kamatayan ng mga to.  Sinasakripisyo nila ang mga sarili nila para lang may masarap kang spaghetti, almusal sa umaga tulad ng hotdog at bacon, at para mapasaya at mapasarap ang pasko mo dahil sa lechon at sa ham! Hindi totoong sila lang ang may kasalanan bakit ka nahahighblood o tumataba, kaya never ko sila sinisi sa pagtaba ko.  Kaya tumataas ang presyon mo dahil sa sobrang sarap ng laman nila hindi mo na madisiplina ang sarili mo, busog ka na panay pa ang papak mo! Matakaw ka na tamad ka pang mag exercise.  Tandaan mo lahat ng sobra masama.  Hindi lang pagkain ang gamit ng mga to, ang balat nila bukod sa masarap na ichicharon, ginagawa din tong leather goods, pati ang mga balahibo nga daw ginagawa pang brush. Oh di ba may silbi sila???

        Hindi lang lalamunin ang silbi nila, ilang beses na ba nila tayong napaibig, napatawa at napaluha? Sino ang hindi maiinlove kay Miss Piggy na talagang matindi ang pagnanais na maging superstar, actually nung late 70s and early 80s naging mas sikat pa sya kay Kermit the Frog who happens to be the love of her life, mas madaming mechandise pa syang nabenta at new york's best seller ang libro nya.  What about the movie BABE, and BABE in the City?  Marami din tayong natutunan sa kwento ng The Three Little Pigs.  May mga songs na din na ginawa para sa baboy.  Hindi lang yun, sa ibang parte ng mundo, parang ibon, aso, pusa, hamster, rabbit at iguana na rin ang mga baboy...ginagawa na silang pet, binibihisan at pinapatulog na sa loob ng bahay. Hindi sila pinababayaan magtampisaw sa putikan.  (Ayoko ng putik, ayoko ng marumi, ayoko ng mabaho hehehe galing yan kay Maricel Soriano sa pelikulang KAYA KONG ABUTIN ANG LANGIT).

        But wait, there's more....ang mga baboy eh isa din sa 12 animals of the chinese astrology.  According to www.chinese-astrology,  people born under this sign are gregarious, trusting and honest, gallant, extremely generous and likes helping others, a peacemaker, extrovert and social, great sense of humor, good natured, passionate in affairs of the heart, forgiving, does not hold grudges, a Connoisseur, immensely popular with an infectious Joie de Vivre, a natural Entertainer.  Wag na natin daanin sa kung anong taon ka ipinanganak, ang katotohanan na lang na pag ang isang tao mataba o sa mga tinatawag nyong BABOY, kadalasan sa kanila (o cge na nga sa amin!), eh natural entertainer, syempre nga naman ikaw ba naman magmukang giant uod sa dami ng segments mo sa katawan dahil sa bilbil mo, hindi ka matawa?  Sa observation ko lang ha, wala akong kilalang mataba na malungkutin, malakas ang sense of humor namin, dahil nga siguro dahil mga lamunista kami, hindi nagkukulang ng nurtrisyon ang mga utak namin kaya ang bilis ng pickup, at pagbagsak ng mga punchlines.  Dahil din siguro sa katabaan namin kita kami agad sa crowd kaya talagang popular ang dating namin sa klase, sa opisina, sa palengke sa simbahan, cge sama mo na rin sa showbiz, although mga ganitong katawan nga eh madalas sa hindi nabubully.  Dahil nga din sa dikta ng media na dapat ang mga babae eh payat at mga lalaki ay may abs, hindi kami madaling magustuhan, hindi kasi kami mga trophy girlfriend or boyfriend, ang mga nagkakagusto sa min, either lolokohin kami or talagang mamahalin kami ng wagas, dahil nga konti lang ang nakakapansin sa min sa larangan ng pag-ibig, ay ate at kuya kung umibig naman talaga kami eh wagas na wagas! Kumbaga eh, kung magmahal kami ay siksik, liglig at nag uumapaw!

        Hmmmm madami na pala kong nasabing magaganda at kapaki pakinabang na bagay dahil sa mga BABOY, kung meron man negative things about them, ano naman ang pakialam ko dun, eh di gumawa ka ng blog mo tungkol dun! At dahil sa sobrang positive ng mga sinabi ko tungkol sa kanila, sa palagay mo ba kaya mo pa kong saktan pagtinawag mo kong BABOY??? Hindi mangyayari yan, cge na aaminin ko na BABOY ako, pero hindi mo ko pwedeng lamunin dahil walang ibang titikim sa kin kung di si darter kong ginigiliw! (Nasingit na naman kita Jimrae! Yaan mo na birthday mo na sa Sabado eh! love u! hahaha ang landi ko talaga!)


        ANG BABOY...bow!

        Tuesday, January 17, 2012

        bato bato masdan ang ginawa mo sa ocho!

        Takbong hubad, yan ang una nyang pasok sa 8, makulit magcomment, masayahin, pasaway, epal.  Una syang napansin ni mitch at ni les dahil nga sa id nya, isa ata sya sa mga sumali sa oblation run sa UP kaya nya ginamit yang id na yan.  Hindi ko alam ang tunay na pangalan nya, pero nakaclose ko nga sya dahil sa kalokohan nya. Luko luko pero di naman sya bastos.  Mas nakilala sya sa id na  BATO_DAMO.  Lo ang tawag ko sa kanya, mo naman ang tawag nya sa kin.  Sikat sya sa room, sya ang popular dj ngayon.  Magaganda naman talaga ang playlist nya. Pero hindi lang sya sikat dahil don, sikat sya kasi ang daming babaeng nahuhumaling sa kanya. Minsan nga tinanong sya ni les kung may nunal daw ba sya sa _it_.  Para syang may magic, ang dali nyang makaclose ang gusto nyang makaclose. May karisma ang bata kumbaga. Well, mabait naman kasi, may sense f humor. Siguro mabuladas din sa mga babaeng nagugustuhan nya.  Nakakatawa lang dito ang mga babae pagnakaclose nya feeling na syota nya, ditona magkakagulo kasi nga idedeny ka ni bato.  Dumating na sa puntong hinack na ang computer, nakey log ang loko, nakuha ang lahat ng ids pati ang archive nadale.  Ang gulo ng room ng non madaming nadamay.  Pero dahil matikas nga nagpatuloy sa kanyang kasiyahan, naging nobya si ulap, tapos may pumasok na bago, hanggang sa nawala na sila ni ulap.  Ngayon may bago na naman ata hahaha.  Pero kahit naman ganyan yan, sabihin na nating babaero, para sa kin na tinatrato syang nakababatang kapatid, mabait naman yan.  Minsan na rin kaming nagkaron ng di pagkakaintindihan, hindi nagpansinan, pero he was gentleman enough to say sorry, nagpakumbaba kaya bati ulit kami ngayon.  Ilang beses na namin syang laging pinagtitripan ni friendship at ni les, hanggang sa facebook nakakarating kami pero never naman nya kaming namura. Game naman syang makipagkulitan sa min.  Minsan na rin syang tumawag at nanghingi ng payo sa kin, akalain mo yun naniwala sa buribot kong utak.  Ako din naman at one point sa kanya ko nagsusumbong yung may isang tarantadong walang pakundangan kung magyabang sa kin kala mo kung sino, at isa lang sinabi nya mo, wag mong kausapin yan baka mamura ko pa yan! hahaha. People will perceive him as arrogant, womanizer, bad boy, but when you get to talk to him one on one, even if he's young, he has a lot of sense.  I guess that's also one of the many reasons why girls are all over him.  He's not all bad, at naniniwala talaga akong may mabuting kalooban ang taong to kaya nga lagi na lang ako nakikisawsaw sa mga laban neto sa 8. I wish that this year, he will find true happiness, true love, so he could show the world na hindi BATO si BATO para na rin walang nagwawala at nagpapanggap na kung sino sino sa para lang mapasakitan ang adonis ng 8! hahahaha

        Impeachment trial nagsimula na!(kahapon pa!)

        Labing isang taon mula ng una akong nakasaksi ng impeachment trial, that was the time of former Pres. Estrada, which led to edsa 2.  Ngayon si CJ Corona naman, ang pinakamataas na tao sa supreme court.  He was charge of graft and corruption and culpable violation of public trust.  Nagnakaw daw at sinira ang tiwala ng taong bayan.  Mula sa panonood ko sa gma news ito yung mga napansin ko...sama na rin natin ang mga opinyon ko.

        •  Chief Justice Corona and his wife were present, in fairness ang tapang nya para humarap sa unang araw ng trial nya, actually he need not come.
        • All senator judges wore maroon robes. Taray! Parang friday lang at simba sa quiapo! hihihi
        • Hindi ko nakita ang inaabangan at paborito kong senador - si Senator Miriam Defensor Santiago!
        • English is the language use in the trial.. Naiintindihan kaya ni Leon Guerrero ang pinag uusapan???
        • Senate President Juan Ponce Enrile is the presiding officer.  Hindi ako maka enrile, pero ang galing nya, at bagay sa kanya ang maupo sa trono.  He's so articulate and of course being a lawyer talagang well verse sya.  Gusto ko na sya!
        • Seryoso ang ichura ni Senator Tito Sotto, hindi sya lawyer pero hindi mo naman masasabing bobito at feelingero ang dating nya.  Bagay sa kanya, hindi halatang nag ieat bulaga! hahaha
        • Congressman Neil Tupas Jr is the chief prosecutor.  Small but terrible ang mamang to.  Mapifeel mo talaga ang angas nya at yung pagnanais na maipanalo ang kasong to.  Nung presentation of arguments na talagang ang lakas ng loob nyang sabihin right infront of CJ face na hindi na sya nararapat sa pwesto nya kasi he violated the trust of the filipino people.
        • Former Associate Justice Serafin Cuevas is the chief defense counsel.  He served as an associate justice during Marcos regime.  This man is turning 84 in June pero malakas pa at wala pang memory gap.  Hmmm ngayon siguro bawal ang pork, beef, beans etc etc.  Puro mani siguro kinakain neto ngayon para masigla ang brains nya!  Malas lang barag sya kay Senator Drilon pano ba naman presentation of defense lawyers palang talagang sinasabi nyang nandun sa floor si CJ para patunayan na wala itong kasalanan.  Irrelevant nga naman ang pinagsasabi ni associate justice.
        • During the presentation of arguments, pinagpipilitan ni Cuevas na the impeachment trial is null and void because there's no due process.  He told the floor that there was no notice given and a preliminary hearing was not set para nga naman makasagot si CJ. Lolo, naka 188 signatures po, yun po ang kailangan para maiakyat sa senado ang impeachment complaint.
        • Senator Enrile denied the motion for a preliminary hearing due to lack of merit. Sabi ko nga nakuha ng kongreso ang numero, it is but natural na wala ng prelimiary hearing pa.
        Round 1 in favor of the prosecution. Hmmmm mahaba habang laban pa to so wag kayong magpakasaya!  As of this writing tapos na ang ang day 2, and what I heard defense naman ang nakapuntos.  No I won't be blogging the trial everyday, sawsawera lang ako kaya gusto kong isambulat ang opinyon ko! 

          Monday, January 16, 2012

          The week that was...

          One week na ko nagbablog, naka 5 posts na din ako.  Pwede kong sabihin, na masipag akong magsulat, excited pa kasi dahil bago pa lang.  Sa pagbablog ko alam kong maraming naging opinyon ang mga nakakabasa nito.  May mga natuwa at nagalingan, may mga naiyak, may mga naasar at tumaas ang kilay, may mga nainggit, may mga nagtawa, pinagtatawanan ako dahil sa tingin nila wala naman kwenta ang blog ko.  Ayos lang naman sa kin yun, sabi nga nila "Everyone's entitled to their own opinion".  Gusto ko lang naman ipaalam na nagsusulat ako hindi para sa opinion nyo, kung matutuwa kayo at patuloy na magbabasa ng blog ko, bonus na lang sakin yun.  Kung naasar na kayo pero patuloy nyo pa rin binabasa ang mga posts ko, mas malaking bonus sa kin yun!  Sabi nga ni sisa sa kin, "hapi blogging Blue! sulat lang ng sulat...wag iisipin kung ano ang sasabihin ng nagbabasa...sayo yan at hindi sa kanila!!

          Saturday, January 14, 2012

          Public Display of Affection (PDA)



          Kinikilig ako! hahaha! Well I have told everyone that I am happy with the choice I made, well, atleast for now.  Since buribot nga ang utak ko, mag PPDA muna kami ni darter aka Jimrae.  It's not just now that he made me kilig, lagi naman but now that I have a journal, I wanna document this and share it with you, don't worry minsan lang to ayoko naman maumay kayo at mandiri na!  This was the conversation we had a couple of hours ago.  Enjoy reading! :)

          Jimrae : now agree ka na bang effective ang blog mo?
          Blue : opo and thanks for being so supportive
          Jimrae : :-*
          Blue : maghahanap pa ba ko ng ibang bf nyan eh super saya ko sayo
          Blue : kaya wag ng nagseselos hon :-*
          Jimrae : sana nga
          Blue : anong sana nga ka jan
          Jimrae Aquino: hahaha
          Blue : >:P
          Jimrae : nde po kc ako perfect
          Blue : so am i
          Blue : gusto mo ba maghanap pa ko? happy na ko ngayon, sana happy ka din
          Jimrae : u can answer that urself...i'm not just happy w/ u 
          Jimrae : i'm home w/ u  (DITO NAMAN AKO KINILIG NG BONGGANG BONGGA! HAHAHA)
          Blue : i love u hon
          Blue : with u im just me walang hang ups
          Jimrae : love u too
          Blue : so i wouldnt trade u with anyone (so business like ang term TRADE!)
          Jimrae : not even barter?
          Jimrae : =))
          Blue : tadu
          Jimrae : hahaha
          Blue: praning ka kahit kelan
          Jimrae : :-*
          Blue : :-*


          Oo na ang landi landi ko dyan hahaha! (Nakakarimarim!) pero syempre hindi naman kami puro sweet sweetan, madalas din meron kami petty arguments and thank God naman naaayos din agad.


          Sabi nga ni Kris Aquino (wag na kayong kumontra I super like her!) LOVE... LOVE... LOVE!

          Friday, January 13, 2012

          Could you love someone knowing that you'll only lose him/her in the end?



          I saw this film two days ago, and it's worth watching, though, I've seen movies about a girl who has cancer and her man stood by her til her last breath. Who would forget the movie "A Walk to Remember"?.  But I'm not gonna talk about the movie's cinematography nor how brilliant or lousy the actors were in portraying their roles, I don't even want to discuss the story.  What struck me was this line "Could you love someone knowing that you'll only lose him/her in the end?"

          Goodness, gracious  heavenly chorva! that line's too deep, too scary and too hard to answer!  Let's expound!  Will you love someone knowing that your days are numbered? Don't you wanna be happy before meeting The Creator, and it will only happen if you take the risk of having a relationship with someone you love? Will you love someone knowing that person is dying?  Won't you be generous enough to give her the happiness before she leaves, even if it means you'll be sad and dead too when he/she goes to heaven?  Will you love someone if he/she is already taken? Will you snatch him/her from his/her partner?  What if it's you who's taken, are you willing to give it a go?

          These are the questions that some of us or most of us had answered, is answering or will answer in our lives. Lucky you if you will not be in this situation. But I knew people in that situation,and yes I'm in that situation.  Knowing that the relationship will end sooner or later, as far as I am concern, I knew love as...

          • Love, like life is a risk.  We all should be brave in taking risks, as they say, no guts no glory! No id no entry! (Joke lang nakanganga na kayo sa pag iisip sa mga tanong ko eh!)I love as if i've never been hurt.  I know it's easier said than done coz we all tend to be cautious every time we get hurt. But it will be unfair to my partner if I will be paranoid thinking he will hurt me like my ex did.
          • Love is trust.  Sama mo na jan trust condom, para safe! hahaha.  Trust is the key ingredient for the relationship to work. As I've said don't be paranoid.  Bear in mind that he loves you and that's the very reason why he/she is with you.
          • Love is a symbiotic relationship.  Love is simply give and take. Being in a relationship doesn't mean that you'll be happy all the time.  Most of the time, because you love each other so much, you tend to clash, which is normal, you were born with different DNAs, you were brought up differently, and you are two different individuals.  For the partnership to work out, both of you should know when to give and when to take.  You have to compromise! Walang sabayan ng init ng ulo.
          Yes i know this will end like any other things in this world,  but we are happy, and I will love him until he ask me to stop loving him (pahiram ng status mo warlak! hahaha). So for now, it's LOVE LOVE LOVE!

          Wednesday, January 11, 2012

          Feelimons

          When I told my sister that I'm now blogging, she asked me to write about these feelimons.  Feelimons??? Ano naman yun I asked. She told me that these are the salot in the chatrooms and in real life and the reasons why epaloidz were born.

          Let's define feelimons.  FEELIMONS are the people who are feelingeras and feelingeros, they are most of the time jejemons, parang iisa lang ang tatay nila, in short the same DNA.  Sila yung mga nagmamaganda at nagmamagwapo at nagmamaasim sa real and reel world.  Masyado bang vague? Ok then isa isahin natin as defined by some of the great minds in my list! Naks naman! hahahaha! Ok here we go...

          • darter_576: feelingera - yan ay isang babae na nag-aassume
          • ut0y_akx: Assuming <<<madami pa syang binanggit na mga feelingeras pero syempre nde mo papahamak ang source mo hahahaha
          • son_saibot: feelingero akala nya lahat ng naiisip nya tama.pero ang dating sa ibang tao hindi
          • jyng.bitch: ung taong akala nya she is something pero walang basehan, for example,akala nya maganda sya, feeling nya maganda sya, pero she doesnt care whether the people around her feel the same way
          • caroline_1104: Feel-imon? Eh di feelimong maganda ka, matalino, sosyal…lahat lahat ng feeling mong ganon ka tapos hindi ka nmn ganon… 
          •  mitchsexygemini: isang bagay sa isang tao na nakakainis =)),feelingera para saken malandi eh, parang sakit na lumalaganap,pede rin i consider na social disease....hanep social disease daw accdg to mitch...hmmmm nakakahawa! hahaha
          •  stussyleslie1016: panget, kaya feeling 
          •  dezz_qatar: ahumm....assuming!!!
          So, ito na nga, sila yung mga ASSUMING, mga mapagpanggap... mga mapagpanggap na maganda, gwapo, matalino, mayaman, mga feeling super galing in bed, feeling mabait pero mga backstabber, feeling mahinhin pero bukakera sa cam at mga moochers!  Sila din yung mga makaprivate chat mo lang iisipin na nila na your dying to be with them.  At feeling na masasaktan ka and di ka na makakamove on once nawala sila sa chatroom.  Sila yung mga taong kasing taas ng Burj Khalifa ang confidence level.  Oh well don't get me wrong, there is nothing wrong with having confidence, we need that to get by. Pero may kasabihan tayong, lahat ng sobra masama, kaya masama sila kasi sobra ang confidence!  Sila yung parating naeepal kasi nga sila yung maangas na walang pakundangan kung makapagsalita not knowing na mas meron pang walang pakundangan sa kanila para lang sawatain ang pagiging feelimons nila.  Syempre tayo yun mga FEELIBUSTER! O kitams, mala Jose Rizal pa ang dating, kalaban ng mapang aping kastila, modern version na nga lang tayo, kasi tayo na ang mang aapi! Hahahaha kung may jejebuster na kalaban ng mga jejemons, meron din tayong itatapat jan mga feelibuster para patayin ang mga feelimons!  

          So, kayong mga feelingeras and feelingeros better known as FEELIMONS you better watch out because, your mortal enemy FEELIBUSTERS are here to give you something you don't wanna have! hahahaha

          Tuesday, January 10, 2012

          My top 3 GOALS for 2012

          Before I start, I wanna say thank you to 2011.  It wasn't all fun, so many adversities had happened around the world, then again, we made it through! Here we are, it's 2012! 

          And because it's new year, I guess we all have to change the not so good things that we did last year...sorry, I will still be EPAL! :) I have a lot of things to change, so many i lost count.  But I have these top three things I really wanna meet this year.

          1.)  SLEEP AT 10 pm AND WAKE UP AT 5am.
                    This is my number 1 goal this year.  Before I was sleeping at 10 am and woke up at 5pm.  That has to CHANGE!  I have to live in my timezone which is GMT+8 for goodness sake I am now in MANILA and not GMT+4 in UAE!

          2.)  EAT LESS EXERCISE MORE!
                    I have been fat since high school, became bigger in college, lost a few pounds when I started working in a bank, and gained all those back when I went to Dubai.  Now, I was damn BIGGER being home.  Believe it or not I don't eat that much, hindi ako ganon kasiba promise! The problem I guess is not really moving, no exercise, in short walang galawan!  My goal is to at least lose 5-10 lbs a month! INSHAALLAH!

          3.)  READ AT LEAST ONE BOOK PER MONTH.
                    I have to admit I'm not a book fan, though I have read a few mostly self help books, I prefer to read magazines than to sit down with a novel.  A frequent visit to National Bookstore last month made me crave to read books.  These are the top books in my list;

                    1. The Best of Me - Nicholas Sparks
                    2. Steve Jobs - Walter Isaacson
                    3. Before Ever After - Samantha Sotto 
                    4. Lumayo ka nga sa akin - Bob Ong
                    5. Dreaming of Chanel - Charlotte Smith

          With all these in mind, hmmmm would it be goodbye chatroom? :)
                   

           

           

          Monday, January 9, 2012

          Finally!!!

          Been meaning to write a blog, but there are so many things that are stopping me to do so. First, I really am not a writer, sabog ang train of thought ko and for u to be able to write naman talaga dapat organize ang utak mo. Second, I was thinking should i write in english or in tagalog? Well obviously, now im writing in taglish (tagalog and english), guess madaming makakarelate since ang babasa naman neto eh malamang ako lang at yung mga naniniwala na kahit papano may sense ako. Third, i really dont know how to start it, or should i say this has to come first? I sought the help of my super reliable bf, darter aka Jimrae to research on how to do live journals, and as reliable as he is he told me several sites so I could start writing. And he really believed na I can do this.  Actually Jan 1 pa namin pinag aaralan on how to do this. Since he's sleeping, and he thot, I'm playing peggle, kinarir ko na talaga ang pagsasign in and voila! im here na!!!

          As I've said, I'm not really a writer, I am a CHATTER. Yes, a CHATTER, i have been chatting since 1998 im not using ym at that time, MIRC pa ang uso hahahaha. When I went to Dubai and bought my first laptop in 2007, OFW 8 has been my home and I guess forever na ko dun.  In that zone, i have cried, sang, laughed so hard, and of course nakipag away ng bonggang bongga! Ah huh u read it right NAKIPAG AWAY! Wala naman physical injuries na naganap that's the beauty of chatting puro saliatan lang u can either grab the mic and talk and talk at maapakan ulit or choose the typing dom na madalas na nagaganap sa mga epaloidz! hmmmm namention ko na ang epaloidz, i guess its just right to explain what it is and why i chose my blog name to be "In the eyes of an epaloid".  EPALOIDZ - these are lovely ladies in ofw 8 na bonggang bongga naman talagang makapang epal! Originally, 3 lang kame si kitapanty aka micca aka REYNA epaloidz, ang pinakamaganda na ata sa OFW 8 at pinakagrabe kung mang epal! She will make u laugh and make u curse her pagnagsalita na sya sa vc, grabe magmura at kanta kung kanta pagnatypan talaga nyang kumanta.  She's not at all epal naman, madami din syang words of wisdom, from being an anak to being a mom, from single to having a bf. You will learn a lot from her, street smart sya eh. She has so many stories and she doesn't mind sharing it.  Si mitchsexxygemini aka HALIMUYAK aka PRINCESS EPALOIDZ, she's the slimmest among 3 of us, by the way 4 na pala kami ngayon.  She's so0 makulit, she types so fast and she loves to talk about sex! hahahaha walang pakundangan yang payatot na yan!  Next is sweetie_jyng aka SWEETIE epaloidz, sya ata yung umaidolize sa kin hahaha ang yabang ko! She loves to talk in the vc din pero aarte sya promise!  But she's also helpful, I'm a witness to that.  And last but definitely not the least, is of course yours truly, bluemargarita aka khaye aka DYOZA epaloidz, yes am the plumpest of them all! I can't brag about epal I can get in the chatroom, but I can truly say ang dami ng nagalit sa kin sa pagkadaldalita ko, well, syempre di namna dapat ibrag ang kamalditahan, but I can only say all 4 us don't make epal if there's no reason. Pagsobra ka ng naepal, sobrang dami mo kasing reason para talagang epalin.

          I chose this blog title to at least share with you things in my humble opinion that is worth sharing. From my goals, family, friends, dog, my nasty neighbor, tips on how to do ur make up, how to deal with break ups etc etc etc.  I know so many have written things about those topics, and it wouldn't hurt naman if I share mine di ba?  :)